Quick Finds

Custom Search

Let Customers Pay You Thru Paypal

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Friday, February 27, 2009

The Sky Angel Cowboy


Stories like this are one living proof that there is a God who hears and speaks.

This is CBN's story about Logan Henderson, known as "The Sky Angel Cowboy".

Thursday, February 26, 2009

Mamang Pulis: A Closer Look

WE SERVE AND PROTECT

Thus states the Philippine National Police' motto.

As students, we were taught with the notion that the Police are the protectors of the community. They're the ones who go after the bad guys. They're the brave who enforce peace and order.

In recent years, however, my personal orientation about the police started to change, primarily because the media is continually feeding us with significant information about various scandals involving the police.

The whole country was shocked to have watched a video presented by an investigative show about a Pasig cop caught in the act of using prohibited drugs inside the Police Station. A number of cops in Negros were recently suspended because they were drinking liquor while on duty.

Some other cases include the police caught firing their guns during new year celebrations, abuse of their authorities in the streets and in other public places, involvement by a former PNP chief on Jun Lozada's supposed abduction in the airport, the case of the Euro Generals, and just recently, the reported overkill of suspected carnappers along EDSA.

While the Philippine National Police continue to banner their motto that they Serve and Protect the community, these untoward cases seem to create distrust by the people on our police officers.

Sadly, when the people themselves don't trust our police, they wouldn't know where to turn to when they get involved in untoward incidents.

Though we all know that good cops still exist and do their duty well, our PNP should do a bold reform in their ranks. They must seek to let the trust of the people be restored onto them. Only then will they be able to accomplish their vision of working in partnership with a responsive community towards the attainment of a safe place to live, work, invest and do business with.

Wednesday, February 25, 2009

Pinoy T-Shirts

Sikat na sikat ngayon (talamak na nga ata yung tamang term?) yung mga t-shirts na may pagka-pinoy ang tema.

Ilan sila Francis M. at Tado sa mga kilalang manufacturers ng mga Pinoy T-shirts. Pero siyempre, mawawala ba naman ang mga nagbebenta nang mga katulad nito sa Greenhills, Divisoria, at maging sa mga tiyangge at palengke?

Narito ang ilan sa mga designs (sa mga interesadong bumili, pwede ninyong bisitahin ang mga websites kung saan ko nakuha ang mga designs na ito:)





































Ewan ko sa inyo, pero ako, asiwa ako, at hindi ako pabor dun sa mga t-shirts na medyo "negative ang dating". Halimbawa ng mga ito ay yung mga t-shirt na may nakasulat na:


malaki ang titik O


di bale nang tamad, wag lang pagod


inutel inside


Sa unang tingin, masasabi mong coooool ang mga t-shirt designs na ito. Matatawa ka rin dahil medyo comic naman talaga ang dating.
Pero sa huli, mapapaisip ka- Kung sino at ano ang isinusuot mo, ipinapakita nito ang karakter nang taong nasa loob ng damit na suot mo.

In The News

1 pang talunang kandidato sa 2007 polls nabigyan ng pwesto


Tessie Aquino-Oreta becomes head of the Early Childhood Care and Development Council (ECCD).


Ngayon lang? Matagal nang hinihintay itong appointment na ito ah?

(Music Select: We're All In This Together ng High School Musical sabay sasalitan ng You Are The Dancing Queen.......)






Kongresistang pabor sa ‘Cha-cha’ marami na - Rep. Mikey Arroyo


Eh........ naka-Magkano na?

(Music Select: Money money money..... All the things I could do If I had a little money It's a rich man's world.....)




Ramos hits Arroyo no-show at EDSA

Tinatablan pa ba?

(Music Select: Hit Me Baby, One More Time!)



Pinoy Pasaway Series #4


Following the news that Dra. Vicki Belo already apologized over her "joke" on Boy Abunda, radio show host Jobert Sucaldito involved himself into the issue.




Jobert Sucaldito comments: “Joke lang? Ikaw ang joke, Vicki Belo. Hindi mo na nga mabukas ang isang mata mo.”




Nagpasaway sa joke si Vicki, mukhang mas nagpasaway naman si Jobert.





Haba ng hair!

Good New, Very Bad News 2



High Tech na ang Taguig para labanan, at mabawasan ang krimen sa pamamagitan ng bagong lunsad na "Tag Watch".

Tag Watch features the full integration of a command center, a 24/7 hotline similar to the United States’ 911, numerous closed circuit television (CCTV) cameras that can rotate and zoom in by as much as 300 meters and police cars equipped with global positioning system (GPS) units.

At kung dapat palakpakan itong bagong sistema nang kapulisan sa Taguig, dapat naman sigurong palukpukin itong mga pulis na ito sa Negros.

Six policemen in Negros are in hot water for allegedly having a drinking spree inside their station.

Chief Inspector Rico Santotome said if found guilty, SPO1 Ramon Macaya, PO3 Noel Joquino, PO2 Edward Gayuma, PO1 Joseph Caballero, PO1 Gecel Dela Cruz and PO1 Jonjer Yap would be suspended for 15 days without pay.

“The inspecting team was surprised to see the policemen inside the police station drinking alcoholic beverages while in uniform, some of them in incomplete attire,” the official said.

Aba'y huwag naman sanang ganyan, mga kabo. Kapag ganyan ng ganyan, patuloy na sumasama ang imahe ng kapulisan.

Nakakalungkot namang tingnan na habang ang ilan ay nagpipilit na pagandahin ang imahe ng kapulisan katulad nang sa Taguig, eh may mga ganito namang kaso ng iresponsibilidad sa Negros.

Tuesday, February 24, 2009

Bad Joke

Hindi lang Ateneo-La Salle ang uso.
Matagal na ang GMA-ABS CBN Network War.
Nora-Vilma? Sawa na tayo diyan.

Ang Bagong Professional Rivalry ngayon,
Belo VS. Calayan.

Sa dami ba naman ng mga artistang gustong "mas gumanda" at "mas pumayat" at "mas tumangos" at "mas lumaki", hindi na kataka-takang mag-boom ang rivalry nila Drs. Manny and Pie Calayan at Dra. Vicky Belo (idudugtong ko ba dapat ang pangalan ni Hayden).

And The Heat is On!






Belo says:


“If you want to look like Piolo Pascual

and

Dingdong Dantes,

you go to Belo.






If you want to look like Boy Abunda, you go to Calayan."
(Piolo and Dingdong are two of Belo's endorsers while Boy is one of Calayan's endorsers).
********** Pero kahit na! Bad joke pa rin.**********

Glory Days of EDSA


For three days, men, women and children filled the streets of EDSA holding on frail hope. For those brief moments, they feared for their security, their lives, their future.

Rumors were spreading all over that the forces from the loyalists were coming in from the north to silence the cry of the people through bullets and shells. The prayers grew louder; anxiety filled the air.

From above, the citizens of Manila resembled ants swarming on the entire stretch of EDSA. Most of the streets were blockaded and trees were cut down to serve as makeshift anti-tank barricades. Curious civilians climbed the 25-ft. light posts to have a glimpse over the crowd. Along the curbs, women attended to the thirsty, hungry and the weary. Men stood vigilant and served as perimeter guards just in case loyalist troops decided to attack. Priests and nuns prayed and comforted people as they made their way through the population with rosaries at hand.

Tanks were on the other edge of EDSA, and the people had no hesitation to meet them with bare hands and prayers. Soldiers aboard the vehicles climbed out and were ordered to shoot. Most either shot in the air or were simply shocked at the amount of sacrifice ordinary people are willing to gamble. Tears rolled down their eyes as they were greeted with food and comfort from the rebels.

As Marcos proclaimed his presidency atop the balcony of the Malacañang, little did the remaining supporters realize that their would-be president was already arranging his plans for Hawaii.


This is the EDSA revolution – the peaceful cry for freedom.


(Narration credits: The EDSA Revolution Website)


********************
Handog ng Pilipino sa Mundo
Apo Hiking Society


'Di na 'ko papayag mawala ka muli.
'Di na 'ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.


Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kelan man 'di na paalipin.


Ref:


Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.


Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.


Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.


(repeat refrain two times)


Coda:

Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat!


********************

On that glorious year of 1986 in EDSA, the world witnessed the triumph of the Filipino.

Fast-forward to the present year, though, the country remained in its old self.
Or is it even worse?
********************

EDSA People Power proved the reality of God's words in 2 Chronicles 7:14:
If my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then will I hear from heaven and will forgive their sin and will heal their land.

We have, as a nation, humbled and prayed and searched for God's face. We have exposed corruption and evil in the society, and God heard from heaven. He forgave the sins of the nation. He removed the kings and rulers and have set up new ones. And He healed the pains and gave us a brand new beginning for the Nation.

But somewhere along the way, we lost-track and returned to our old-self.

Can we blame God? By no means! There is no way we can say, 'God! You didn't help us. God! you were wrong in choosing our new rulers!' No way, we can say that.

We have asked forgiveness and healing, and restoration in the land. But seems that we have not totally turned to God and asked Him to 'totally' rule among us. But rather, after seeing God do the changes, we have stopped and let the new leaders reign over us. Men and women who hunger for money, power, and still more power have started to penetrate the leadership of our nation. And since then, as a nation, we have never really returned to God.

As I see the situation today, I believe that there is so much hunger and thrist for change. Such was in the days of Marcos and Ninoy. The people are ready. And God is always ready and willing to give us another brand new start- but we've got to pray and ask Him to install the righteous rulers of this land.

Moral Ascendency: Righteous leaders who fear and obey the word of God. This is what the people clamor for. Again, the people are ready. And God's eyes range throughout the earth to strengthen those whose hearts are fully committed to him (2 Chronicles 16:9).


May He finally install the right rulers.
May He finally bring back the glory days of EDSA.
May He finally bring glory to the Philippines.







Monday, February 23, 2009

Circus Politics

Dahil 2009 na at 15 months na lang eh eleksiyon na, kabi-kabila na rin ang balita kung sinu-sino ang tatakbo sa ganito at ganireng posisyon.






Lapid is reported to run again for Governor of Pampanga, his previous position before becoming a Senator.


Yun ang nakakainis dito sa pulitika ng ating bansa.


Dating governor ng Pampanga, tapos last election eh kumandidato naman sa Makati (opposite Mayor Jojo Binay), tapos ngayon, babalik na naman sa Pampanga?









Grace Poe to run for Senator.

Grace who? Grace Poe. Anak ni Fernando Poe.


Nakoe, wag na poe. Sayang ka poe.

Fernando Poe is not Grace Poe.

May idadagdag pa ba akoe? Wala na poe.






Retired and Active men in uniform push Danny Lim for Senator.

Pag nagkataon, dalawang Senador na ang hindi pwedeng um-attend sa Senado.

Ano nga ba nagawa ni Trillanes? Sabagay, iba naman si Trillanes kay Lim.

Pero ganun pa rin, eh. Kalaboso pa rin.









Congressman Joc joc Bolante?

Bolante is being groomed to be a member of the House of Representa-thieves.




It's where you belong,
It's the place where you belong,
It's where you, you, you,
It's where you belong!






Sunday, February 22, 2009

100





This is my 100th post.


So I will try to create a countdown- some sort of 100 things na sa palagay ko eh nangyayari sa Pilipinas, o sikat sa Pilipinas sa pangkasalukuyang panahon (parang iniisip ko tuloy ngayon, sana ginawa ko ito noong pang-sampung post ko pa lang):


1. Si GMA pa rin ang Presidente ng Pilipinas, habang si FG naman ay patuloy na nasasangkot sa kung anu-anong katiwalian sa gobyerno. Hindi pa rin namamatay ang isyung Charter Change dahil hindi pa rin bumababa sa pwesto si Gloria.

2. Talamak ang graft and corruption. Maririnig mo ito sa radyo, makikita sa tv, mababasa sa diyaryo. Sa katunayan, parang manhid na nga yata ang tainga ng pinoy kaya't hindi na sila nagugulat kapag may mga balitang tungkol dito.

3. Ckat na ckat ang txtng. Naging txting cptal of d world p nga ang pnas eh. Buhay na buhay ang companies ng Smart, Globe at Sun Cellular. Word of mouth ang unlitxt, unlimited, e-load, autoload, pasa load at all calls. Naglipat-bakod na rin mula sa Globe papunta sa Sun si Aga Muhlach.

4. GMA at ABS CBN pa rin ang top television networks. Pero hindi mo malaman kung sino talaga ang number one dahil pareho silang nagsasabing sila ang Number 1.

5. Bumalik na sa bansa si Jocjoc Bolante matapos ang ilang taong pamamalagi sa US. Kasalukuyang dinidinig ang kaso ng Fertilizer Scam habang tila natabunan na naman ang kaso ng NBN Deal (asan na si Jun Lozada?), Euro Generals (mababa na ang euro kaya tahimik na rin), at ang Road to Nowhere Scam (nowhere na, hindi na kasi Senate President si Villar).

6. Madalas magkasakit si FG Mike Arroyo; lalo na kapag pinatatawag siya ng Senado.

7. Naghiwalay na si Dingdong at si Karylle at ang itinuturong dahilan-si Marimar; ang Babaeng Hinugot sa Tadyang ni Fredo (Ayan, nagkagulu-gulo na).

8. Sikat na sikat ang balitang recession sa US. Pero mas sikat si Obama. Katunayan, balitang-balita kung paanong hinabol ni GMA si Obama sa lahat ng pagkakataon para lang makapagpa piktyur.

9. Laya na si Erap. Mahal na naman siya ng masa despite of his corruption and plunder charges. Erap for President in 2010?

10. Speaking of 2010, nag-umpisa na ang kampanyahan ng mga Pulitiko sa tv, sa radio, sa internet, at sa diyaryo.

11. Traffic sa may North Avenue hanggang sa Balintawak. Pero ok lang dahil improvement naman ito. Ginagawa na kasi yung extension ng MRT papunta sa LRT.

12. Grabe ang pila sa lotto nitong mga nagdaang araw. Paano, umabot yata sa more than 300 Million ang winnings sa 6/49. Hindi ako tumama. Hindi naman kasi ako tumataya.

13. Nararamdaman na ang effect nang recession sa US. May mga companies kasi na nag lay off at nagsara dito sa Pilipinas. Lay off ang Intel; Umalis na ang Fedex; balitang may mga susunod pa.

14. Nakabukas na ang SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway). Mabuting balita ito sa mga bumibyahe patungonng North Luzon dahil malaki ang natitipid na oras (at gasolina).

15. Speaking of Gas, bumaba na naman daw ng 1php ang presyo ng diesel. At kaninang umaga ay bumalik na sa 7php ang minimum fare sa jeepney.

16. Marami pa ring Pinoy ang pumupunta sa Dubai. Pero medyo malungkot dahil may epekto rin ang recession doon.

17. Nakakasawa na ang telenovela at koreanovela sa GMA at sa ABS CBN.

18. Patay na si Rustom Padilla. Nagbagong anyo at nagbagong pangalan na siya dahil siya na daw si Bebe Gandanghari.

19. Sikat na sikat si Pacquiao sa buong mundo. Natalo na kasi niya last year si Oscar Dela Hoya; at kasalukuyang pinaghahandaan ang laban nila ni Ricky Hatton sa May 2009.

20. Inumpisahan na ang Random Drug Testing sa mga Secondary at Tertiary Schools. Nahuli kasi ng PDEA ang Alabang Boys na gumagamit ng Drugs. "Social Users" lang daw sila. Wow, men!

21. Tumaas ang presyo ng LPG. Naisalang sa hotseat si Sec. Angie Reyes dahil dito. Pero wala rin yatang nangyari sa investigation.

22. Sumikat na naman ang Pinas sa buong mundo dahil sa nag-issue ang World Bank ng mga lists of Philippine Companies na banned sa kanila on issue of corruption.

23. Speaking of Corrupt companies, nagtatalak na naman sa Senado si Miriam Santiago. Siya kasi ang Head investigator sa issue.

24. Nagkaroon ng Cancer si Cory Aquino. Pero lumalabas pa rin siya paminsan-minsan lalo na kapag may rally ang opposition.

25. Sikat si Charisse, Si Arnel Padilla at yung chef sa White House na hindi ko alam ang pangalan. Kahit paano, may positibo pa ring impact ang Pinoy sa ibang bansa.

26. Uso ang blogging. Madaling medium kasi ito para maipahayag ang gusto mong sabihin (kahit na wala naman talagang bumabasa sa blog mo).

27. Talamak na rin ang iba't ibang social sites katulad ng Friendster, Multipy, etc.

28. Marami ring Franchise international shows ang sumisikat sa bansa. May local adoptation na tayo ng Survivor, Big Brother, Family Feud, 1 vs 100, Deal or No Deal, Philippine Idol, Kakasa ka ba sa Grade Five, etc. Pero nakakainis dahil pinapasukan ng text votes galing sa televiewers. Nakakainis, as in.

29. Mababa pa rin ang sweldo. Mataas pa rin ang tax.

30. Dumadami na naman ang government projects sa kalsada. Malapit na naman kasi ang eleksiyon.

31. Talamak ang drugs. At kung minsan, yung mga pulis na dapat nagsasawata sa users, sila ang nahuhuling bumabatak. IMBESTIGADOR!!! Hindi namin kayo tatantanannnnnnnnn!!!

32. Nagreunion ang Iskul Bukol. Napiyansahan si Richie D Horsie, (medyo) bastos pa rin daw si Joey, at Lalake na si Tonette Macho.

33. Bihira na ang pumapatok na Pelikulang Pinoy. Kung meron mang mga pinipilahang pelikula, malamang Hollywood-made.

34. Patok ang Twilight na libro na isinapelikula. Mas maganda raw ito sa Harry Potter dahil ang Twilight daw, 'May Kilig'.

35. Wala nang Magpakailanman si Mel Tianco. Pero surviving on air pa rin ang Maala ala Mo Kaya ni Charo Santos.

36. Nag-reunion ang Eraserheads pero di natapos dahil isinugod sa ospital si Ely.

37. Lilipat daw si Diether sa Siyete. Pero nag-stay sa Dos. Pero lilipat daw. Pero andun pa rin sa Dos......

38. Puro mukha nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Richard Guttierez at Angel Locsin ang makikita mo sa commercials.

39. Inirereklamo pa rin ang Globe at Smart dahil nababawasan ang Load mo nang hindi ka naman gumagamit ng telepono.

40. Marami kang makikitang kabataang may nakatakip na mahabang buhok sa mga mata. Emo!

41. Out na ang mga english-speaking DJs. Mas sikat ang mga balahurang magsalita at mahilig magpatawa. Kailangan pa bang i-memorize yan?

42. Sikat pa rin si Bob Ong. Pero halatang mahirap na ang buhay dahil pinatos na rin niya ang pagtitinda ng mga t-shirts (Peace, bossing!).

43. Madalas pa rin ang rally sa may Quezon City Circle partikular sa may Department of Agriculture. Doon na nga yata nakatira ang mga rallyists.

44. Lahat nang telenovela at sitcom ay may cast na bakla o tomboy.

45. Kaaway pa rin ng MMDA ang mga Sidewalk Vendors. Kaaway pa rin ni BF si Binay. Pero gustong gusto naman siya ng mga text voters sa Celebrity Duet.

46. Nakabalik na sa posisyon sa gobyerno ang mga talunang Senador. Nakaupo na ulit sa pwesto si Pichay, si Recto, si Sotto.

47. Bukas na ang UP Ayala Technohub sa Commonwealth Avenue. Maraming kainan, maraming opisina, maraming may trabaho.

48. Sikat ang mga maliliit na motorsiklo katulad ng XRM. Pero araw-araw din ay kung ilang tao ang naaaksidente sa motor.

49. Marami na namang nadagdag na Board Passers na Nurse. Marami na namang gagradweyt nang nursing sa March/April. Marami na namang mag a abroad.

50. Tumataas ang matrikula. Magastos magpaaral nang anak. Katunayan, ang ibang pre-schools, hindi bumababa sa treinta mil ang tuition fee.

51. Ateneo-La Salle pa rin ang hot stuffs sa UAAP.

52. Boljak pa rin sa Gold Medal ang Pinas sa Olympics.

53. Kung mahaba ang pila sa lotto, wala yan sa haba ng pila sa DFA, NBI at SSS.

54. Tataas na naman daw ang presyo ng bigas. Wag naman sana.

55. Sikat sila Among Ed, Gov. Grace Padaca at Sonia Lorenzo. Magaling daw kasi sila; kaya baka raw tumakbo silang Senador.

56. Nakakatamad nang manood nang PBA. Puro Fil-am na kasi ang makikita mo. Di mo na malaman ang tunay na pinoy at tunay na peke.

57. Uso ang Pirated DVDs. Di hamak na mura kasi kaysa sa manonood ka sa sine. Malinaw naman, lalo na yung Blue Ray (Ooops, di pala ako bumibili noon. Ano ba yung Blue Ray?).

58. Lumilipat ang mga taga-dos sa Siyete. Lumilipat ang mga taga-siyete sa Dos. Habang yung ibang laos na ayaw lumipat, nagtitiyaga sa Channel 5 at Channel 11.

59. Sikat pa rin at may following pa rin sila Manalo, Villanueva, Quibuloy, at Velarde.

60. Maraming kabataan ngayon ang may English Accent at mga twang ang dila. Sila yung mga sikat na sikat na CSRs sa mga Call Centers.

61. Kung saan may Call Centers, malamang may Starbucks na malapit.

62. Speaking of Coffee Shops, parang kabuteng nagsusulputan ang Starbucks, Figaro, Seattle's Best, BO's Coffee, etc sa mga malls at sa mga Business Offices.

63. Traffic pa rin lalo na sa Umaga. At sa Tanghali. At sa Gabi. Masarap bumiyahe sa madaling araw para iwas traffic. Pero takaw-aksidente.

64. Hindi na mahirap mag-apply ng Credit Card. Kadalasan, sila pa ang nag o-offer sa'yo.

65. Nag-evolve na rin ang style ng mga sales agents sa mall. Yung mga tipong Family First? Sila yung mga maririnig mong nagsasabi nang 'Ma'am, may Credit Card?', o di kaya ay 'Uy! Color of the Day!' Sabay banggit sa kulay ng damit mo.

66. Lumalakas ang Sales ng Jollibee habang bumababa ang benta ng Mcdo.

67. Top hits pa rin sa Internet ang mga Sex Video Scandal ni ganito at ni ganoon. Meron ka na bang kopya nung kay Hayden at nung kay Katrina?

68. Lalong nagiging magkamukha si Igan at si Arn-arn. Pero tinalo sila ni Mike at Mang Enriquez.

69. Matapos masangkot sa Ultra Stampede, namayagpag na muli si Pappy Willie.

70. Kakandidato raw ulit si Manny Pacquiao?

71. Dumadami ang bilang ng mga kabataang nagyoyosi, nagda drugs, at nabubuntis.

72. Hindi pa nagpapahayag na tatakbo si Loren, si Chiz, si Noli, si Mar. Pero panay naman ang pangangampanya nila.

73. Hate nila dati si JDV. Pero ngayon love na nila. Ganoon lang naman talaga sa Pulitika.

74. Health conscious na ang mga Pinoy. Kaya nga nauso ang Vegetable Salad, Green Tea, Liveraide, Circulan, Arthro at Viagra. Hindi yata kasali yung huli.

75. PSP, Ipod, CP, Mac, Laptop, HP, Wii, mp3, mp4, 3G. Techie Generation ang mga bata ngayon. Pati matatanda.

76. Mahirap i-determine kung sino sa mga lider ang tapat na maglingkod at walang masamang intensiyon sa bansa.

77. Inamin na rin daw ni Iggy na siya at ang Alabang Boys ay iisa. Huh?

78. Alive and kicking with comments pa rin siraul gonsalez.

79. Si Ramos pa rin daw ang totoong presidente. Ha? What's that again?

80. Open for Business na ang NAIA Terminal 3. Sa Wakas!

81. Maraming corrupt. At yung mga kakaunting malinis, kadalasan, nagiging corrupt. Pero meron pa ring mga malilinis.

82. Kung uso ang lipat-bakod sa pulitika at sa showbiz, mapapansing kumokonti na rin ang bilang ng mga nasa 'tradisyunal na relihiyon'. Kaya nga nag-emerge na at common term na ang mga 'Christians, Fellowships, Bible Studies, Small Groups'. Hindi mo masisisi ang mga tao. Natural, maghahanap sila nang kongregasyon na may personal at malalim na relasyon sa Diyos. At kung hindi magbabago nang technique ang mga 'traditional groups', malamang maubusan sila ng miyembro.

83. Uso pa rin ang mga kantang may 'double meaning'. Pero nabawasan na rin ang mga tumatangkilik sa mga bold shows o mga palabas na may temang gusto lang magpakita ng kaloob-looban para kumita ang palabas.

84. Hit na hit ang mga Spa at mga Wellness Centers.

85. Wala ring tigil ang pagtatayo ng mga SM Malls. At kung may SM, malamang may katapat na Robinson's.

86. Bawal nang mag-advertise ang mga sigarilyo. Pero nakaaalarmang dumadami at pabata ng pabata ang gumagamit nito.

87. Kung anu-ano nang sakit ang nadiskubre. Kadalasan, sinisisi nila ang mga Instant Noodles at chichirya.

88. Marami pa ring napuputukan kapag Bagong Taon. Ang mas malungkot, kahit hindi bagong taon, may mga sumasabog na pabrika ng paputok.

89. Bati na si Kuya Germs at si Billy Joe.

90. Nalaman ng bayan na nagmumura pala si Mar Roxas. Malutong pa!

91. In addition to tukneneng, naka-balandra na rin sa bawat kanto ang mga nagtitinda ng calamares.

92. US-made ba ang damit mo? Baka naman UK? O Ukay?

93. Matatandaang sumikat si Miguel Zubiri noong 2008 dahil nag-agawan sila sa ika-huling pwesto ni Koko Pimentel. Pero ngayon, asan na nga pala si Zubiri? Teka. Sino nga pala si Zubiri?

94. Nakakulong pa rin si Senador Trillanes. Pero sa isinumiteng summary of expenses, isa siya sa pinakamalaki ang nagastos sa Transportation. Eh paanong nakapagbiyahe kung nakakulong?

95. Regular na tanawin na ang rally. Kung naiintindihan nang lahat ng naroon ang pinaglalaban nila, yun ang hindi ko alam.

96. Namimigay din naman ng mga maliliit na tulong pinansiyal ang gobyerno. Murang bigas, mababang presyo nang ganoon, exemption sa ganito, subsidy sa ganyan. Pero nalulutas nga ba ang problema ng bansa?

97. Hanggang ngayon, isyu pa rin sa pagitan ng simbahan, gobyerno, civic groups ang paggamit ng contraceptives. Habang hindi ito inaayos, patuloy na lumalaki ang populasyon ng Pilipinas.

98. Kahit may mga operasyon ang pulisya laban sa prostitusyon, nakalulungkot malaman na marami pa ring tambay na babae sa mga footbridge ng mmda sa cubao, sa pasay, sa malate, sa quezon avenue.

99. Dagdag pa sa mga nabanggit sa itaas, tambak pa rin ang basura sa ilog at sa mga kanto. Maitim pa rin ang usok ng mga bus sa EDSA. Marami pa ring banggaan, insidente ng karahasan, kidnapping, carnapping, pamomolestiya sa mga menor de edad.

100. Pero sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling nakatayo ang Pilipino. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa sapagkat alam niyang darating din ang tamang panahon kung saan muling ibabalik ng Diyos ang katarungan at moralidad sa bayang Pilipinas. May pag-asa pang naghihintay sa Pilipinas.

Friday, February 20, 2009

Minimum Fare: Now 7php

This is a quick note; but is worth mentioning.

LTFRB has already approved a fare rollback for jeepneys effective Monday, February 23, 2009 for Metro Manila, Region 3, and Region 4.

Minimum fare will now be 7 php for the first 4 kilometers;

and 1.40 php for every succeeding kilometers.



Thursday, February 19, 2009

Nursing Board Exam Result 2009

About 39,000 out of 89,000 (44%) passed the Nursing Board Exam taken on November 2008.

Cheers to Jovie Ann Alawas Decoyna of Baguio Central University for making it to the top.

For a complete list of the Board Passers, click here >>> Nursing Board Exam Result 2009
(courtesy of Inquirer.net)


Congratulations!

Hector Is On Inquirer Blog

Finally, finally, finally.


Thanks, Leo Magno, for the opportunity.


Inquirer.net features:




EDSA 1 2009 Holiday


Malacañang announced February 23, 2009 a holiday for STUDENTS (only) to celebrate EDSA 1.


This was made through Proclamation 1728 signed by Executive Secretary Eduardo Ermita.






Just wondering why the Proclamation limits the holiday only to students. When in fact, baka ang mga estudyante ngayon eh hindi pa nabubuhay noong panahon ng EDSA 1 (1986).

Anyway, I just thought that maybe History books should now include to teach students about EDSA 1, EDSA 2, EDSA 3. I'm just not sure if these are already included. But these should be. We do not want the young to neglect Jose Rizal and Andres Bonifacio, however, they also need to know and learn from Marcos, Ninoy, even Cory, Erap, etc.

Wednesday, February 18, 2009

Of Riders, Roads and Regulations

It was in the early years of the new millennium when motorcycles started to swarm over the streets of Metro Manila.

I can, in fact, assume that whosoever was the brainchild of promoting XRMs here in the Philippines would have taken a VERY big amount of bonus.

This happened primarily because people would want to at least reduce their cost of spending in transportation. Thus, the use of small motorcycles is a hit, particularly to the male workers and company messengers.

Rider friends told me that they actually save a lot since they started using motorcycles. Plus, of course, they would like to add the fact that using motorcycles is "iwas traffic dahil madaling sumingit sa pagitan ng mga jeeps/cars/bus".

And today, due to the continuing increase of people who purchase motorcycles, dealers make it easy for consumers to buy a unit in good credit terms. If my friend taxi driver is correct, he says that you can purchase and get a unit in the same day as long as you have a 10,000 php downpayment to give. And dealers do not usually do credit investigations. They ask only a minimal documents for proof of income (payslip, maybe, or other statements).

However, with the increase of riders on the Metro road comes the increase of motorcycle-related accidents. It is very alarming because in morning shows like Unang Hirit (gma) and Umagang Kay Ganda (abs-cbn), they report at least 2 motorcycle accidents per day.

I have a former high school classmate who was killed at her prime age of 20's due to a motorcycle accident. Her husband, who was driving, survived but is paralyzed.

An officemate once told me, "Hindi na ako gagamit ng sasakyang may dalawang gulong. Napaka-delikado. Isang maliit na bato lang ang katapat niyan, aksidente ang tuloy". Which is true. Compared to cars and jeepneys with four wheels, motorcycles are prone to imbalance when you accidentally roll over a stone or a slump in the road.

In 2008, road authorities have already increased their regulations by requiring riders to wear helmets, and limiting only two passengers per motorcycle.

But seems it is still not enough, because a lot of accidents still continue to happen.

• I believe riders should be very well-educated on their responsibilities when using the roads. I have seen riders who speed up and try to race over cars and jeepneys. Some riders also do not want to follow regulations on the proper wearing of helmets. One commentator said, "Sa ulo dapat sinusuot ang helmet, hindi sa siko". Others try to overload motorcycles-even trying to allow 4 passengers to ride.

• Is it the LTO who regulates motorcycle drivers? I hope they ensure that license applicants are well-educated on all road precautions and measures. I see a lot of young people (below 18 years old), especially in the provinces, who freely use motorcycles. Bad thing is, when they involve in accidents, you cannot apprehend full exercise of laws because they are below 18 years old. Sana rin walang nabibigyan nang lagay in exchange of giving Driver's License.

• MMDA should continue to tighten their watch on violators. Wala rin sanang humihingi ng lagay. Violators should be apprehended. Kahit na pulis o konsehal ng bayan, tanod o kung sinuman siya, if he/she is violating the regulations, should not be tolerated.

• A dedicated motorcycle lane in the streets or hi-ways? It may be costly. But if it saves lives, then why not?

Tuesday, February 17, 2009

Good News, VERY Bad News

Good News, VERY Bad News


Good News!


The government is eyeing another 50 centavo fare reduction in public transport, particularly jeepneys and buses.


The complete story >>>here

Sana nga eh bumaba na ulit ang pamasahe at maging 7php na lang ang minimum.

Malaking tulong ito lalo na sa mga estudyante at sa mga manggagawa.

Kahit papaano, mababawasan ang budget na kailangan nilang i-allot para sa pamasahe. Kung may .50 cents na maibabawas sa isang minimum na pasahe, ibig sabihin, at least eh 1php ang matitipid kada araw. 5 php kada linggo.

Aba! Sabi nga nung ka-board mate ko dati, 'Eh kahit magtutuwad ka buong maghapon, mahihirapan kang makapulot ng limang piso!'


Thumbs up ako diyan para sa LTFRB.




VERY Bad News!


Despite his negative reputation in Metro Manila, former agriculture undersecretary Jocelyn Bolante is being pushed to run for congressman in his home province in 2010.

The complete story >>>here


Aba'y naku naman. Jocjocjoc ba 'yan?!!!

Pinapataas ang alta-presyon ko. Baka mapasugod ako sa St. Luke's niyan. Ay, wag pala sa St. Luke's, baka andun si Jocjoc.

Bakit tatakbo? Para may immunity sa kaso? Atsaka naman, kapag nanalo yan, eh ano pa ba'ng ini-expect mong mangyayari sa Pork Barrel niyan?


VERY Thumbs Down ako sa kung sinuman ang nakaisip nitong ideya na ito.



Sunday, February 15, 2009

Are You Ready?



If you were given 1 million pesos, what would you do with it?

We always here that question.

Some say, 'Oh, that's easy!. Will give 10% as tithes to the church, 10% to buy some stuffs, 20% I will give to my parents, 10% to my siblings, and the 50% will go to my bank account as my savings.'

We've seen lots of people winning the lotto, or winning lots of money in game shows, but most often, lots of those winners don't seem to be ready administering such amount of money.

The bible gives very interesting facts to support the idea that in the end times, the wealth will be transferred from the hands of the sinners to the hands of the righteous. Why? Because the gospel MUST be preached to all nations (Matthew 24:14). And in order to do this, we really need a lot of resources.

So that gives us a firm belief that believers will be blessed tremendously in order for them to support the works of the church.

But some may ask- 'Aren't the blessings and money already in the hands of the rich? How many christians belong to such groups as the elites and the rich?'

However, the bible speaks the truth. Proverbs 13:22 says: the wealth of the sinners is stored of for the righteous. Eclessiastes 2:26 states: to the sinner He gives the work of gathering and collecting, that He may give to him who is good before God.

How will God do it? We may not know, and we may not understand. But certain situations will definitely arise and happen in order for this word to come alive and happen. Such as what happened with the downfall of US economy in 2008. And as former Senator and Presidential aspirant John McCain once said: "This foundation of our economy, the American worker, is strong but it has been put at risk by the greed and mismanagement of Wall Street and Washington."

God is shaking the heavens and the earth in order to put things in place in accordance with His purposes and plans. The greedy are now being shaken and exposed. The wealth is now slowly being readied to be distributed to the proper hands.

But can God trust us to be the stewards of His wealth? Are we ready?


++++++++++++++++++++
"The future belongs to those who prepare for it"
- Bishop Jovie Galaraga, Preaching at the Celebration Church, February 16, 2009
++++++++++++++++++++


Thursday, February 12, 2009

214


Wednesday, February 11, 2009

Excuse Letter

First Gentleman Mike Arroyo has once again 'excused' himself from going to the Senate hearing concerning another controversy linking him to an 'anomalous' construction company, the E.C. de Luna Construction Corporation, blacklisted by the World Bank due to corruption charges.




Whether he is fit to testify in the senate on Thursday (Feb 12) will be determined by his doctors at the St. Luke's Medical Center where he is undergoing a regular check-up.





FG's spokesperson says FG Mike is physically stable and well enough to play golf; but the latest news on early Thursday morning states that he would not come to the Senate to testify but instead send his lawyer Ruy Rondain to represent him (dahil baka nga naman mapagod).




Pero malay naman natin, baka mamaya, gulatin tayo at biglang sumipot din si FG sa Senate Inquiry. We never know, sabi nga eh, life's full of surprises.

Or; bigla-bigla, baka ang mangyari eh, 'Oo, totoong me koneksiyon si E.C. de Luna, pero hindi si FG, kundi si Jose Pidal, este, si Iggy.


Lalo nang gumulo.

Monday, February 9, 2009

The Gentleman


Wikipedia illustrates "Gentleman" as:
...."gentleman" signifies a man with an income derived from property, a legacy or some other source, and was thus independently wealthy and did not need to work.
Ay ang saya! patok na patok! Mismo!
Anyway, involved na naman daw si FG sa bagong kontrobersiya ng korupsiyon, sabi ni Sen. Ping Lacson.
Eh, what else is new?!!!!
Para yatang dapat eh laging may hobby/collection ang asawa ng mga pangulo natin. Let's look at the parallelisms.
Sikat si Makoy sa korupsiyon, sa mahabang term na pagiging pangulo, sa martial law.
Sikat si GMA sa korupsiyon, sa more than one term na pagiging pangulo, at naakusahan na nag a ala-martial law.
Asawa ni Makoy si First Lady Imelda na sikat sa pangongolekta ng sapatos.
Asawa ni GMA si First Gentleman Mike na sikat sa pangongolekta ng mga corruption charges.
(Interesado ka ba sa mga charges against FG? Here's the link on gma's special report)

Catch Me If You Can



Now Showing

Chance of a Lifetime

President Arroyo made a sudden side trip from Bahrain to Washington last Feb 5, 2009, to attend the United States National Prayer Breakfast (and possibly to get the chance to finally, finally, finally meet US President Barack Obama).

But the chance never happened.

Neal Cruz, in his Inquirer column, describes Arroyo's move to seemingly chase Obama as Pathetic.


Must have been better if Arroyo attends a local prayer meeting together with Cory, Erap, Ramos, Villanueva, Velarde, Rosales, De Venecia, Roxas, Lozada, Lacson, Mike Arroyo, Tindero, Jocjoc, Villar, etc.

Wouldn't that be a sight?

(But of course, not to mention, to disallow Sec Dureza to lead the prayer).



To conclude, Neal Cruz states,

"Don’t pretend to be what you are not. Accept what you are but try to be better."


Amen.

Get Your Paypal Account Now!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.