Quick Finds

Custom Search

Let Customers Pay You Thru Paypal

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Thursday, April 30, 2009

Bob Ong's Disclaimer

Marami na kasing mga kumakalat na love quotes sa text, sa emails, sa blogs, at kailan lang, may lumabas pang mala-advise letter ni bob ong sa isang desperadong manliligaw. Narito po ang disclaimer ni Bob Ong sa naturang isyu:



Para po sa kaalaman ng lahat:Ang mga (love) quotes na umiikot sa mga text message ay hindi galing kay BobOng, liban na nga lang kung nabasa nyo ito mismo sa mga libro nya.

Ganon din poang isang Email (love advice) na isinulat ni Juan Ekis at ipinapaikot ng iba nagaling daw kay Bob Ong.

Pakitama o pakipasa na lang po ito sa mga kakilala nyong biktima ng maling balita. Kaakibat ng kalayaan natin sa paggamit ng teknolohiya ay ang responsibilidad ng pagpapasa lamang ng mga tamang impormasyon.

Magandang New Year's resolution ito kahit hindi New Year: Bago i-forward ang text o Email, balikan nyo muna ang nagpadala sa inyo at siguraduhing tama ang impormasyong natanggap at hindi lasing ang nagpadala.

Salamat po.

Humayo kayo at magparami.

-BO---------
Book 7: KAPITAN SINO

Official release on May... May... May konting delay lang, darating din yon! =>

3 comments:

  1. ang dami dami dami dami ngang "Bob Ong quotes" kuno na naglipana kahit saan. ang bilis lumaganap...may BOB ONG VIRUS hakhak. :P

    oo nga. MAY na! Kapitan Sino? waaaah!!! malapit na malapit na!!! :)

    ReplyDelete
  2. sana nga eh malapit na. pero mukhang medyo matatagalan pa....

    medyo lang.

    ReplyDelete
  3. pero kung bumili kayo ng mga aklat ni bob ong hindi kayo mabibiktima ng mga pekeng "quotes"

    i should know i have a collection of all his books

    ReplyDelete

Get Your Paypal Account Now!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.