Quick Finds

Custom Search

Let Customers Pay You Thru Paypal

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.
Showing posts with label Literature. Show all posts
Showing posts with label Literature. Show all posts

Thursday, May 14, 2009

Kapitan Sino Ni Bob Ong

THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD





++++++++++

KAPITAN SINO

Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon.

Thursday, April 30, 2009

Bob Ong's Disclaimer

Marami na kasing mga kumakalat na love quotes sa text, sa emails, sa blogs, at kailan lang, may lumabas pang mala-advise letter ni bob ong sa isang desperadong manliligaw. Narito po ang disclaimer ni Bob Ong sa naturang isyu:



Para po sa kaalaman ng lahat:Ang mga (love) quotes na umiikot sa mga text message ay hindi galing kay BobOng, liban na nga lang kung nabasa nyo ito mismo sa mga libro nya.

Ganon din poang isang Email (love advice) na isinulat ni Juan Ekis at ipinapaikot ng iba nagaling daw kay Bob Ong.

Pakitama o pakipasa na lang po ito sa mga kakilala nyong biktima ng maling balita. Kaakibat ng kalayaan natin sa paggamit ng teknolohiya ay ang responsibilidad ng pagpapasa lamang ng mga tamang impormasyon.

Magandang New Year's resolution ito kahit hindi New Year: Bago i-forward ang text o Email, balikan nyo muna ang nagpadala sa inyo at siguraduhing tama ang impormasyong natanggap at hindi lasing ang nagpadala.

Salamat po.

Humayo kayo at magparami.

-BO---------
Book 7: KAPITAN SINO

Official release on May... May... May konting delay lang, darating din yon! =>

Wednesday, April 1, 2009

Passing The Torch on Tinig.Com

My V short story, Passing the Torch, is on Tinig.Com.


(first posted on over a cup of cofee)


Enjoy reading and gear up for the coming elections!


Reporter: Mayor, how do you answer the question raised by your constituents why you chose your son to be the head of the City Development Council?
(interpretation: Mayor, ano po ang masasabi ninyo sa tanong ng mga nasasakupan nyo kung bakit ang anak nyo na hindi naman government official ang pinili ninyong mamuno sa City Development Council?)

Mayor: You know, my son is very much capable to do the job. I believe in what he can do for the development of our beloved city.
(interpretation: Tinatanong pa ba yan? Last term ko na. Kailangan ngayon pa lang eh makilala na si Dyunyor at mabigyan nang mas maraming exposure. Tingin nyo ba aalis ako ng ganun-ganon na lang sa City Hall? Ano, bale?)

Wednesday, February 4, 2009

Struggling

Pitong buwan.

Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon. Mula sa pagkabata, sa halos lahat ng pinasukan kong larangan, lagi na'y nakasunod ang katagang -excellence-.

I have been doing this venture hoping to conquer something new. But seems, as it is, to no avail.

Pitong buwan.

May mga pagkakataong gusto ko nang tumigil. Tanggapin ang katotohanang hindi naman talaga lahat nang bagay sa mundo ay kaya mong pagtagumpayan.

Ngunit... hindi nga ba?

Bakit hindi?

At muling lumikha ng takatak ang mga daliri kong nakapatong sa keyboard.

Sulat pa! Sulat pa!

Tuesday, August 26, 2008

Bob Ong Updates and Other Trivia


ABNKKBSNPLAko?!
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
Ang Paboritong Libro ni Hudas
Alamat ng Gubat
Stainless Longganisa
Macarthur

Credit these no-nonsense, pinoy na pinoy pieces of literary genius to the man named
BOB ONG, the famous author nobody really knows.

Now, I wouldn't dwell much on the facts and details about the identity of our beloved writer as I know that so many articles in print and even in the internet have already been made for him and about him.

Ruel De Vera, in his Sunday Inquirer Magazine titled,
The mystery begins with his name-Bob Ong (not his real name) on July 2006, describes Bob Ong as, "the mass-market mystery man, a publishing phenomenon whose blockbuster book sales are equaled only by the anonymity he maintains. He is Bob Ong—not his real name—the most unusual best-selling Filipino author you’ve never met."
++++++++++
Click
here to read De Vera's complete article
++++++++++

The phenomenon that is
Bob Ong may very well be attributed to where it all began- the now inexisting bobongpinoy.com.

The following
FAQs provide details about bobongpinoy:

++++++++++
Q: Ano ang Bobong Pinoy?
A: Ang Bobong Pinoy ay website ni BO, itinatag pagkaupo ng ikalabing-tatlong presidente ng Pilipinas, at binuwag matapos ang pagbaba ng nasabing pinuno sa trono. Kasalukuyan ito ngayong pinagkukutaan ng mga kapaki-pakinabang na tambay ng Pilipinas sa pamumuno ni Osama Bin Laden.

Q: Wala na ba kayong archive o mga natatagong articles ng BP na maaaring mabasa?
A: Meron. "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?"

Q: Bakit ayaw mong... este, ni BO pala, ibalik ang website na Bobong Pinoy?
A: Napakaraming dahilan.

Q: Bakit isinama mo pa sa FAQ na 'to ang tanong sa itaas e hindi mo rin naman pala sasagutin?A: Pamparami
++++++++++


10 years after bobongpinoy was birthed out; and after six successful books, all selling like hot pan de sal, Bob Ong followers are now craving for book seven (and maybe by now, stakes are high as to what would book 7's cover page color be).

A credible source confirmed that Book 7, another Fiction, will soon be released hopefully by October 2008. And if plans will push thru, Books 8 & 9 will still be Fiction, then the 10th may be non-fiction.

As previously stated, as much as followers are craving for the latest BO book, they are also on the watch as to what would be the color of the cover page this time.

And just in case some don't know about this color-coding schemes on BO's books, some pieces of trivia are posted at
visprint's (BO books' publisher), website:

++++++++++
Galing sa mga mambabasa ang nickname ng mga libro: Green book ang ABNKKBSNPLAko?! (book1); Yellow book ang Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (book2); Black book ang Paboritong Libro ni Hudas (book3); Orange book ang Alamat ng Gubat (book4); at White book ang Stainless Longganisa (book5).

Dilaw ang Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? dahil spoof sana ng "For Dummies" book series ang cover nito. Pero nag-evolve ang konsepto kalaunan hanggang sa nagmukha na lang itong...um, dilaw na libro.

Peksman! Talagang sina Dan Brown at JK Rowling ang nagsabi ng review na nasa likuran ng ikalimang libro.

Ipinasa ni BO sa editor ang unang libro bilang "ABNKKBSNPLAko!?" pero naipasa ito ng editor sa publisher bilang "ABNKKBSNPLAko?!". (Spot the difference.)


Isinulat ni BO ang ikalawang libro at ilan pang mga tula habang nasa piitan s'ya noong taong 1962 hanggang 2001. (Halata bang nauubusan na tayo ng trivia?)

the complete trivia
here
++++++++++

10 years and counting.

The then bobongpinoy.com might have, for some reasons, failed to resurrect in this time when we are again faced with the same situation when it first began-the nation in political crisis, with the highest person in-charge in question as to her capability to drive the course of the nation in its proper destiny, but Bob Ong's books will continually inspire the Filipino to prove the fact that the Pinoy is not bobo after all.



Tuesday, August 12, 2008

Sandosenang Sapatos

This story won First Prize, Maikling Kathang Pambata in the 2001 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature





++++++++++
Sandosenang Sapatos
Dr. Luis Gatmaitan


Sapatero si Tatay.

Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.

"Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!"

"Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas?"

"Parang may madyik ang iyong kamay!?"

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao siTatay. Bihirang magsalita.

Lumaki akong piling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas aykinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero angTatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.

"Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa 'kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n'ya," himutok ng isang kaklase.

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ako. "Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon."

Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay. "Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anaknatin!"

"Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaanak ng ballet dancer! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang-ballet."

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol angdalawang paa! Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi siSusie sa manika.

"Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?"

"Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At iyon ang naging epekto," malungkot na kuwento ni Nanay.

Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu'n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie.

Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school(dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero "Misis, bakit hindi n'yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw," sabi ng titser ko sa Nanay ko.

Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap.

Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay
Susie. "Tingnan n'yo o, puwedeng pang-karnabal 'yung bata!" turo nito kay Susie.


Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.

"Ano'ng problema mo, ha?"

Mabuti't napigilan siya ni Nanay.

Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie. "Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao at buo ang tiwala sa sarili." Masuyo niya itong hinalikan.

Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna. "Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa niTatay" bulong ko sa kanya.

Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa't-isa. Hindi naging hadlang ang
kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone, scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!


Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa. "May paa siya sa panaginip?" gulat na tanong ko sa sarili. "Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!"

Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos. "Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malaking buckle sa tagiliran." Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap. Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos - ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins, beads, o buckle.

Inaangkin niya ang mga sapatos na 'yon. "Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?"

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking
di matanggihan.


Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer. "Pinasaya nyo ang Tatay nyo," sabi ni Nanay.

Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay.

Isang Araw, hindi sinasadya'y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan. Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan! "Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?" tanongko sa sarili.

Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na 'yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang-first communion. May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.

Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:

Para sa pinakamamahal kong si Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan

Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata't iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?

Para kay Susie, lugod ng aking buhay
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan

Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie!

Sandosenang sapatos lahat-lahat.

Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu'n pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie. "H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa'yo, Susie." Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. "Inilihim niya sa akin ang mga sapatos?"

"A-Ate, ito ang mga sapatos na na panaginipan ko" Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.


"Ha?" Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie. Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap. Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos?

Hindi ko tiyak.

Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali.

Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

Tuesday, August 5, 2008

Invading Tinig.com

Hey, it's my first time to submit an article in a web-based environment, and quite surprised that they did accept my contribution.


About Tinig.com

Isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglalaman ito ng personal essays, lathalain, tula, dula, maikling kuwento, at komentaryo tungkol pambansang usapin na isinulat ng mga kabataang Pilipino.

The site also explains that while they have their regular columnists, they also invite free-lance writers to contribute their articles.

Anyway, I have already posted this article in my previous blog, Dekada-The Article That Could Have Been, so I wouldn't be posting this again.

Dekada @ Tinig.com may be accessed at this link: http://www.tinig.com/dekada/



This is the first, and hopefully more to come.



Sunday, July 27, 2008

Dekada- The Article That Could Have Been

This was primarily made as an entry in one book compilation organized by bobongpinoy members. However, it did not make the top 30.

Anyway, it speaks about the present condition of the country, amidst the social problems that we are facing-poverty, corruption, and the other problems that seems to drag the country down.

This is inspired and is in conjuction with bobongpinoy's 10th year of existence in the internet, that's why the article was entitled DEKADA.

++++++++++
DEKADA

Kuya, ano ba yung blunder?

“Ano’ng blunder? San mo ba narinig yan?”

“Sabi kasi ng teacher ko sa History, blunder daw yung kaso nung Presidente kaya nakulong”.

“Plunder. Plunder yon, hindi blunder”.

“E ano nga yung plunder?” Ba’t sya nakulong? Tsaka bakit EDSA 2? Di ba isa lang naman yung EDSA?

Sampung taon. Isang dekada na pala ang nakalipas mula nang ipinanganak si bunso. Sa edad nyang sampu, napakaraming tanong sa isip nya na aaminin kong kahit ako ay hirap na sagutin kahit na mahigit dalawampung taon na akong nabubuhay sa mundo.

Paano ko ba ipaliliwanag sa kanya kung bakit kailangang umalis nang bansa si Nanay at si Tatay para mag caregiver sa ibang bansa gayung pareho naman silang mga college graduates? Paano ko sya aaluin sa mga panahong naghahanap sya ng kalinga ng magulang?

Maituturo ko ba sa kanya na hindi tamang uminom, manigarilyo, magsugal at mag drugs, gayong lantad namang ipinakikita sa tv na ginagawa ito ng mga sikat na artista sa teleserye at maging sa totoong buhay?

Kailan ko sisimulang ituro sa kanya ang tungkol sa sekswalidad? Na hindi pa kaya nang kanyang utak na harapin ang mga malalaswang babasahin at panoorin? Ako ba ang magsasabi sa kanya at magpapaliwanag kung bakit may mga taong may ikatlong kasarian?

Masasagot ko ba ang mga tanong nya kung bakit maraming nagrarally sa kalye? Kung bakit mahaba ang pila sa bilihan ng bigas? Kung bakit laging ginagawa-tinutuklap-ginagawa ang kalsada sa tapat ng bahay? Kung ano ang ibig sabihin ng kotong? Kung bakit maraming alagad ng batas na nadadawit sa mga kontrobersyal na krimen at kung bakit laging nagagalit ang mga tao at pilit pinatatalsik ang Presidente ng bansa?

Isang dekada ng kanyang buhay pa lamang ngunit kayrami na nyang nakikitang kaganapan sa Pilipinas. Sa panahon kung saan kaydaling makakuha nang iba’t ibang impormasyon gamit ang telebisyon, cellphone, at internet, hindi ko alam kung mapalad nga kaya silang mga kabilang sa X & Y Generation.

“Kuya, ano ba’ng ibig sabihin ng corrupt? Kasi sabi sa balita, isa daw ang Pilipinas sa pinaka corrupt na bansa sa buong mundo. Sikat pala ang Pilipinas, ha, kuya?”

“Bunso….. corrupt ang tawag kapag ang mga leader ay maraming kamaliang ginagawa sa kanilang mga trabaho. Sa madaling salita, hindi sila tapat sa kanilang mga tungkulin”.

“Ayoko ng maging Pilipino, kuya. Nakakahiya pala tayo.”

.
.
.
.
.

“Hindi, bunso. Huwag mong ikahiya ang pagiging Pilipino. Mahalin mo ang Pilipinas dahil ito ang bayan mo. Pilipinas ang kumukupkop sa’yo mula nang ipinanganak ka sa mundo.

Alam kong bata ka pa at maaaring hindi mo pa maiintindihan ang sasabihin ko. Pero ang mga nakikita mong kamalian ay huwag mong gawing dahilan para itakwil ang Pilipinas.

Magbabago pa ang Pilipinas. Kung hindi man ngayon, sa hinaharap; kung saan kayong mga kabataan ay kailangang gabayan at turuan ng tamang pagmamahal sa bansa. Dahil ang pagmamahal mo sa bansa ang magbibigay-daan para sikapin mong baguhin ang mga kamaliang nakikita mo sa paligid.

Marami pang dekadang darating sa iyong buhay. Marami ka pang matututunan at marami ka pang masasaksihang pangyayari sa kapaligiran….. ngunit bunso, mahalin mo ang Pilipinas.”

++++++++++

Wednesday, July 23, 2008

Yellow Shirt

A good read....

++++++++++
The baggy yellow shirt had long sleeves, four extra-large pockets trimmed in black thread
and snaps up the front.


It was faded from years of wear, but still in decent shape. I found it in 1963 when I was home from college on Christmas break, rummaging through bags of clothes Mom intended to give away. "You're not taking that old thing, are you?" Mom said when she saw me packing the yellow shirt. "I wore that when I was pregnant with your brother in 1954!"

"It's just the thing to wear over my clothes during art class, Mom. Thanks!" I slipped it into my suitcase before she could object. The yellow shirt be came a part of my college wardrobe. I loved it. After graduation, I wore the shirt the day I moved into my new apartment and on Saturday mornings when I cleaned.


The next year, I married. When I became pregnant, I wore the yellow shirt during big-belly days. I missed Mom and the rest of my family, since we were in Colorado and they were in Illinois But that shirt helped. I smiled, remembering that Mother had worn it when she was pregnant, 15 years earlier.


That Christmas, mindful of the warm feelings the shirt had given me, I patched one elbow, wrapped it in holiday paper and sent it to Mom. When Mom wrote to thank me for her "real" gifts, she said the yellow shirt was lovely. She never mentioned it again.


The next year, my husband, daughter and I stopped at Mom and Dad's to pick up some furniture. Days later, when we uncrated the kitchen table, I noticed something yellow taped to its bottom.


The shirt!

And so the pattern was set.

On our next visit home, I secretly placed the shirt under Mom and Dad's mattress. I don't know how long it took for her to find it, but almost two years passed before I discovered it under the base of our living-room floor lamp. The yellow shirt was just what I needed now while refinishing furniture. The walnut stains added character.

In 1975 my husband and I divorced. With my three children, I prepared to move back to Illinois . As I packed, a deep depression overtook me. I wondered if I could make it on my own. I wondered if I would find a job. I paged through the Bible, looking for comfort. In Ephesians, I read, "So use every piece of God's armor to resist the enemy whenever he attacks, and when it is all over, you will be standing up."


I tried to picture myself wearing God's armor, but all I saw was the stained yellow shirt. Slowly, it dawned on me. Wasn't my mother's love a piece of God's armor? My courage was renewed.

Unpacking in our new home, I knew I had to get the shirt back to Mother. The next time I visited her, I tucked it in her bottom dresser drawer.

Meanwhile, I found a good job at a radio station. A year later I discovered the yellow shirt hidden in a rag bag in my cleaning closet.

Something new had been added. Embroidered in bright green across the breast pocket were the words "I BELONG TO PAT."

Not to be outdone, I got out my own embroidery materials and added an apostrophe and seven more letters. Now the shirt proudly proclaimed, "I BELONG TO PAT'S MOTHER." But I didn't stop there. I zig-zagged all the frayed seams, then had a friend mail the shirt in a fancy box to Mom from Arlington , VA. We enclosed an official looking letter from "The Institute for the Destitute," announcing that she was the recipient of an award for good deeds. I would have given anything to see Mom's face when she opened the box. But, of course, she never mentioned it.

Two years later, in 1978, I remarried. The day of our wedding, Harold and I put our car in a friend's garage to avoid practical jokers. After the wedding, while my husband drove us to our honeymoon suite, I reached for a pillow in the car to rest my head. It felt lumpy. I unzipped the case and found, wrapped in wedding paper, the yellow shirt. Inside a pocket was a note: "Read John 14:27-29. I love you both, Mother."


That night I paged through the Bible in a hotel room and found the verses: "I am leaving you with a gift: peace of mind and heart. And the peace I give isn't fragile like the peace the world gives. So don't be troubled or afraid. Remember what I told you: I am going away, but I will come back to you again. If you really love me, you will be very happy for me, for now I can go to the Father, who is greater than I am. I have told you these things before they happen so that when they do, you will believe in me."


The shirt was Mother's final gift. She had known for three months that she had terminal Lou Gehrig's disease. Mother died the following year at age 57.


I was tempted to send the yellow shirt with her to her grave. But I'm glad I didn't, because it is a vivid reminder of the love-filled game she and I played for 16 years. Besides, my older daughter is in college now, majoring in art. And every art student needs a baggy yellow shirt with big pockets.

++++++++++

How encouraging it is to realize that even in simple ways, God speaks into all of us. His ways are higher than our ways; and His thoughts, higher than our thoughts.

May we always hear Him speaking in our daily walk.

Sunday, June 29, 2008

Kaleidoscope World-Talk about Racial Discrimination

Came accross this poem sometime in 2007 via sms message from a friend

When I born, I black.
When I grow up, I black.
When I go in sun, I black.
When I cold, I black.
When I scared, I black.
When I sick, I black.
And when I die, I still black.
You white folks...
When you born, you pink.
When you grow up, you white.
When you go in sun, you red.
When you cold, you blue.
When you scared, you yellow.
When you sick, you green.
When you bruised, you purple.
And when you die, you gray.
And now you calling me COLORED?




An Other Side of Racial Discrimination



Well, I don't know. But sometimes we, Filipinos, are the ones who give very special preferential treatments to foreigners.
Be it in the stores, restaurants, etc., pinoy sellers/vendors tend to prefer talking and doing business to foreigners other than their "kapwa-pinoys".
Ewan lang kung bakit.
Baka dahil sa tip?
O baka naman kasi ang mga pinoy eh, barat?



Sabi naman ni Francis M sa kantang Kaleidoscope World:



So many faces, so many races
Different voices, different choices
Some are mad, while others laugh
Some live alone with no better half
Others grieve while others curse
And others mourn behind a big black hearse
Some are pure and some half-bred
Some are sober and some are wasted
Some are rich because of fate and
Some are poor with no food on their plate
Some stand out while others blend
Some are fat and stout while some are thin
Some are friends and some are foes
Some have some while some have most



Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin' round, make it twirl
In this kaleidoscope world



Some are great and some are few
Others lie while some tell the truth
Some say poems and some do sing
Others sing through their guitar strings
Some know it all while some act dumb
Let the bassline strum to the bang of the drum
Some can swim while some will sink
And some will find their minds and think
Others walk while others run
You can't talk peace and have a gun
Some are hurt and start to cry
Don't ask me how don't ask me why
Some are friends and some are foes
Some have some while some have most



Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin' round, make it twirl
In this kaleidoscope world

Saturday, June 28, 2008

Tagubilin at Habilin ni Jose "Pete" Lacaba

Sa dami ng tulang nabasa, sa dami ng talatang napakinggan, hindi maiiwasang manghusga kapag makabasa ka at makakita nang bagong komposisyon.

Malimit, kinatatamaran nang mga katulad kong mapagmasid sa lalim ng pananalita ang magbasa ng mga komposisyong sobrang haba.

Hindi ko lubusang kilala si Pete Lacaba. Naririnig ko lang ang ganyang pangalan kapag napag uusapan ang EDSA at ang historyang bumabalat sa panahon ng Martial Law.

Hindi ko sya lubusang kilala. Subalit aaminin kong ang tulang ito ay nagbigay nang mga panibagong rebelasyon nang aking pagiging Pilipino.

Mabuhay ka, Ka Pete, at Mabuhay ang Pinoy!

TAGUBILIN AT HABILIN
Ni Jose F. Lacaba

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una't huli kongTagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.

Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.

Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.

Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.

Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.

Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.

Ingat lang.

Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.

Higit sa lahat, inuulit ko:

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una't huli kongTagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.

Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.

Huwag kang patatalo.

Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinasabi ng awitin:“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.

Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.

Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una't huli kongTagubilin at habilin:
Mabuhay ka!


Thursday, June 26, 2008

Get Your Paypal Account Now!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.