Quick Finds

Custom Search

Let Customers Pay You Thru Paypal

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Tuesday, September 2, 2008

Countdown to Unite

5
4
3
2
1

Sigawan na ang mga tao. Hanggang sa nagsimula na nga ang intro ng bass at lead guitar. At yung pamilyar na boses na hinihintay ng lahat ay muling narinig.

++++++++++
May isang umaga
Na tayo'y magsasama
Haya at halina
Sa alapaap
O anong sarap
++++++++++




Isa.. hanggang sa ikalabinlimang kanta na sinasabayan ng mga taong sabik na sabik sa reunion concert ng Eraserheads noong gabi ng August 30, 2008 sa Fort Bonifacio Global City sa Taguig.



Bago pa man ang concert ng Eraserheads at nang pumutok ang tsismis na naging balita na nakompirmang hindi pala tsismis na isang Tobacco Company ang sponsor ng reunion, nilinaw ko na ang stand ko sa usaping ito:

http://www.tinig.com/the-eheads-reunion-concert-what-lies-beneath/
(at ikinalat sa blog; maging sa Tinig.com)


Simple ang punto ko: tutol ako sa advertisement breach na ginawa ng sponsor.

Medyo luminaw lang nang magpasyang magback-out ang original sponsor at inilipat ito sa ibang organizer. Ang implication nga lang-hindi na libre. May (malaking) bayad na ang concert.

Nevertheless, dinumog pa rin ng maraming tao. Hanggang sa nangyari nga yung "20 minutes" break na hindi na nasundan ng finale.


Dalawang bagay na pwede kong i-emphasize:

Una: Huli man daw at magaling, naihahabol din. Yung sudden change of organizer; huli na iyon eh. Kasi na-serve na yung purpose-nakapag advertise na yung Tobacco Company. Pabor pa sa kanila kasi, hindi na sila yung nagtuloy ng concert (up ang advertisement, less
ang costs na na-incur nila). Pero thumbs up pa rin ako sa government na at least (at least) kahit huli, eh, naitigil ang sponsorship ng Tobacco Company at naipatupad ang batas. Nawa ay magsilbing aral sa gobyerno ang insidenteng ito at sana ay maiwasan ang mga susunod na problemang katulad nito.

Pangalawa: Hindi na kailangan na magsimula sa anomalya ang isang magandang bagay. Naipakita kasi ng eheads na kahit na hindi libre ang palabas, papatusin pa rin ng mga fans ang mahal na ticket just to see them again together.

At sana'y yung simpleng grupo na MINSAN sa May Kalayaan, ay nagkatagpuan ay muling mabuo at magbigay ng LIGAYA sa pamamagitan ng pagkatha at pag-awit ng mga kanta PARA SA MASA.











No comments:

Post a Comment

Get Your Paypal Account Now!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.