I'm dreaming of a white Christmas
With every Christmas card I write
May your days be merry and bright
And may all your Christmases be white.
Ewan ko ba kung bakit nga naman sa kanta eh talagang may portrayal na masaya ang White Christmas (kaya nga pinapangarap nung composer/singer na may White Christmas). Nagiging picture kasi sa imagination natin na para bang ang sarap maglaro ng yelo (kaya tinawag na white christmas dahil umuulan ng ice flakes). Magbabatuhan ng yelo, bubuo ng snow man, mag i ski.
Pero may nakapagsabi sa amin na hindi naman talaga masaya ang White Christmas. Kapag nagkukwentuhan kami sa labas ng bahay tuwing gabi kapag kapaskuhan, ramdam na ramdam namin ang sobrang lamig na simoy ng hangin (dahil taga-probinsya kami). Kung minsan, masarap, pero kadalasan ay tonsilitis o sipon at ubo ang aabutin mo pagkatapos.
Kumento ng ibang kamag-anak na naka-base sa Canada at London, hirap na hirap sila kapag snow season. Mahirap lumabas ng bahay, dapat naka-ilang patong na jacket ka, kung minsan ay hindi ka makapasok sa trabaho dahil puno ng yelo ang kalsada at kailangan mo pang palahin ang mga yelong humaharang sa garahe ng kotse mo. Kaya sabi nila, hindi talaga masaya kapag may snow.
++++++++++
Kanina lang ay nadaan ako sa may kahabaan ng Kalayaan Avenue sa may Kamias, Quezon City. Hindi lang yata limang pamilya ang nakakalat doon ngayon. Pamilyang may kani-kanyang karitong puno ng kung anu-anong basura. May mga matatandang nag uumpok at nagkukwentuhan habang nagtatanggal ng wires sa mga sirang appliances na pwede nilang ibenta sa junk shop.Sa paligid ay mamamangha ka rin sa mga bata-nag uumpok at nag aagawan sa tatlong pirasong sausage at ilang platong bahaw na kanin.
Kung minsan, iniisip ko-paano at bakit pa sila nagdadagdag ng anak, gayong wala na nga silang maisip ipakain sa sarili nila. Pero patuloy ka ring bibilib dahil normal nang makakita ka ng mga buntis na babaeng nandoon at nakasakay din sa karitong kahoy.
Sa patuloy na dumadaming populasyon ng mga pamilyang naninirahan sa kariton at nakakalat sa kabuuang maynila, mapag iisip ka- Nagpapasko pa kaya sila? Paano ang mga batang anak nila? Alam ba nila ang sayang nararamdaman ng mga ordinaryong bata kapag kapaskuhan? O lilipas at lilipas na lamang ang pasko nang ni hindi nila ito naranasan?
Kung marunong kumanta ang mga batang kariton na ito, kumakanta rin kaya sila ng White Christmas? Nasasabi rin kaya nila ang "may your days be merry and bright, and may all your christmases be white"?
naligaw lang.
ReplyDeletetama yung mga kamag-anak mo tungkol sa white christmas.
at kung mag-snow sa pinas, naku, andaming mahihirap ang mahihirapan, magkakasakit at baka mamatay pa.
blessing na rin na malamig lang na parang baguio ang pasko ng pinoy. hehe...
God bless!
iba pa rin talaga ang klimang pinoy.
ReplyDeletekaya nga nakapagtatakang maraming umaangal sa init/o lamig dito sa pinas.
hi fafa hec, antagal ko ng di nabibisita tong site mo :) na miss kong magbasa.. anyways... so true ito.. pero ako namimiss ko talaga, yung aura pag december na, iba talaga.. yung simbang gabi (although di ko naman kinukumpleto,mahirap gumising ng maaga noh!), puto bumbum (although di pa ko nakakakain neto), bibingka, mga batang nagkakaroling, parol.. damang dama mo talaga yung pasko.. dito 24th na may work pa. kamsuta naman yon. hay naku naku.. iba parin ang paskong noypi..
ReplyDelete