This was primarily made as an entry in one book compilation organized by bobongpinoy members. However, it did not make the top 30.
Anyway, it speaks about the present condition of the country, amidst the social problems that we are facing-poverty, corruption, and the other problems that seems to drag the country down.
This is inspired and is in conjuction with bobongpinoy's 10th year of existence in the internet, that's why the article was entitled DEKADA.
++++++++++
DEKADA
Kuya, ano ba yung blunder?
“Ano’ng blunder? San mo ba narinig yan?”
“Sabi kasi ng teacher ko sa History, blunder daw yung kaso nung Presidente kaya nakulong”.
“Plunder. Plunder yon, hindi blunder”.
“E ano nga yung plunder?” Ba’t sya nakulong? Tsaka bakit EDSA 2? Di ba isa lang naman yung EDSA?
Sampung taon. Isang dekada na pala ang nakalipas mula nang ipinanganak si bunso. Sa edad nyang sampu, napakaraming tanong sa isip nya na aaminin kong kahit ako ay hirap na sagutin kahit na mahigit dalawampung taon na akong nabubuhay sa mundo.
Paano ko ba ipaliliwanag sa kanya kung bakit kailangang umalis nang bansa si Nanay at si Tatay para mag caregiver sa ibang bansa gayung pareho naman silang mga college graduates? Paano ko sya aaluin sa mga panahong naghahanap sya ng kalinga ng magulang?
Maituturo ko ba sa kanya na hindi tamang uminom, manigarilyo, magsugal at mag drugs, gayong lantad namang ipinakikita sa tv na ginagawa ito ng mga sikat na artista sa teleserye at maging sa totoong buhay?
Kailan ko sisimulang ituro sa kanya ang tungkol sa sekswalidad? Na hindi pa kaya nang kanyang utak na harapin ang mga malalaswang babasahin at panoorin? Ako ba ang magsasabi sa kanya at magpapaliwanag kung bakit may mga taong may ikatlong kasarian?
Masasagot ko ba ang mga tanong nya kung bakit maraming nagrarally sa kalye? Kung bakit mahaba ang pila sa bilihan ng bigas? Kung bakit laging ginagawa-tinutuklap-ginagawa ang kalsada sa tapat ng bahay? Kung ano ang ibig sabihin ng kotong? Kung bakit maraming alagad ng batas na nadadawit sa mga kontrobersyal na krimen at kung bakit laging nagagalit ang mga tao at pilit pinatatalsik ang Presidente ng bansa?
Isang dekada ng kanyang buhay pa lamang ngunit kayrami na nyang nakikitang kaganapan sa Pilipinas. Sa panahon kung saan kaydaling makakuha nang iba’t ibang impormasyon gamit ang telebisyon, cellphone, at internet, hindi ko alam kung mapalad nga kaya silang mga kabilang sa X & Y Generation.
“Kuya, ano ba’ng ibig sabihin ng corrupt? Kasi sabi sa balita, isa daw ang Pilipinas sa pinaka corrupt na bansa sa buong mundo. Sikat pala ang Pilipinas, ha, kuya?”
“Bunso….. corrupt ang tawag kapag ang mga leader ay maraming kamaliang ginagawa sa kanilang mga trabaho. Sa madaling salita, hindi sila tapat sa kanilang mga tungkulin”.
“Ayoko ng maging Pilipino, kuya. Nakakahiya pala tayo.”
.
.
.
.
.
“Hindi, bunso. Huwag mong ikahiya ang pagiging Pilipino. Mahalin mo ang Pilipinas dahil ito ang bayan mo. Pilipinas ang kumukupkop sa’yo mula nang ipinanganak ka sa mundo.
Alam kong bata ka pa at maaaring hindi mo pa maiintindihan ang sasabihin ko. Pero ang mga nakikita mong kamalian ay huwag mong gawing dahilan para itakwil ang Pilipinas.
Magbabago pa ang Pilipinas. Kung hindi man ngayon, sa hinaharap; kung saan kayong mga kabataan ay kailangang gabayan at turuan ng tamang pagmamahal sa bansa. Dahil ang pagmamahal mo sa bansa ang magbibigay-daan para sikapin mong baguhin ang mga kamaliang nakikita mo sa paligid.
Marami pang dekadang darating sa iyong buhay. Marami ka pang matututunan at marami ka pang masasaksihang pangyayari sa kapaligiran….. ngunit bunso, mahalin mo ang Pilipinas.”
++++++++++
Quick Finds
Custom Search
Sunday, July 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nicely written
ReplyDeletebe a good kuya ha?
hehe...
thanks for visiting.
ReplyDeleteit is my hope that all of us will be good kuyas and ates in our future generations.
..mxado xang maiksi..
ReplyDeleteklangan p ng palabok pra gumanda
salamat sa matapat na komento.
ReplyDeletethis article was actually an entry to a short story contest na nag require ng masyadong mababang # of words kaya hindi ko nai expound ang istorya.
anyway, salamat sa komento. noted po iyan.
ang ganda! ang galing mo kuya! at saka totoo lahat ng sinabi mo!
ReplyDeletesana nanalo ka!:D