Quick Finds

Custom Search

Let Customers Pay You Thru Paypal

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Wednesday, January 28, 2009

Aaaah.... Pulitika

Hindi lang sampung beses na may nagsabi sa akin- tumakbo ka kaya sa eleksiyon?, kumandidato ka kaya? kailangan natin ang mga kagaya mong may malasakit sa bayan. dapat ang mga tumatakbo dito sa bayan natin eh yung may mga natapos, hindi iyong mga basta na lang sikat pero wala rin namang nagagawang matino.

Nagsimula ang 'political career' ko as early nine years old nang kumandidato ako at nanalo via a landslide victory sa elementary school Student Body. Mula grade three, taun-taon hanggang grade six, kung anu-anong posisyon ang pinanalunan ko hanggang sa maging Presidente ako ng Student Body.

Dati pa man, uso na ang pagdidikit ng mga karatula na may nakalagay, 'HECTOR for President' VOTE STRAIGHT! Republican Party!. Umiikot ang buong partido sa bawat classroom, ipinapahayag sa mga murang kaisipan ng mga estudyante ang mga plataporma namin. Sabay sasabihin- 'kami po'y lumalapit upang hingin ang inyong tulong at suporta upang ako, sampu ng aking mga kasamahan ay inyong iboto sa darating na halalan'. At kapag nakapagsalita na lahat, sabay-sabay kaming sisigaw- 'VOTE STRAIGHT! Republican Party!'

Dati pa man, madalas nang manalo ang sikat-mga campus figure na siyang tinitingala at ginagawang modelo ng mga mas batang estudyante.

Dati pa man, uso na, kahit sa aming mga murang isip ang salitang 'pamumulitika'. Hindi maiiwasan ang panglilibre ng sago, gulaman, mangga, chichirya, sa mga kaklase, kakilala para iboto ka nila.

At dati pa man, uso na rin pala ang mga kaibigang nagkakawatak-watak, nagkaka away away kapag nagkakaiba ng mga kandidatong pinapanigan. Ngunit pagkatapos nang halalan, muling magkakabati at sabay-sabay pa ring maglalakad pauwi pagkatapos ng klase.



High School ako nang sinubukan akong suyuin ng ilang kabataan para tumakbo sa Sangguniang Kabataan. Pero dahil sa ibang bayan ako nag-aral ng high school at laging wala sa amin, ipinasya kong huwag na lang kumandidato.

Maaaring doon nagsimula ang pagkawalay ko sa takbo ng pulitika.

Subalit paulit-ulit, animo'y nananadyang sumusulpot sulpot ang himok ng pulitika. May nagtangka ring mag-endorse sa akin na kumandidato sa Senior Officers noong College. Kailangan daw nila nang righteous leader na pwedeng tumapat sa noo'y sikat na kumakandidatong prominent figure sa Campus.

Pero nag-iiba pala ang perspective nang tao. Marahil na rin ay hindi na school politics ang focus ko, kaya hindi ko pinatos ang endorsement. Siguro'y dahil na rin sa alam kong mabigat na tao ang babanggain ko at isa pa'y kaibigan ko rin naman ang tatakbong presidente.

Pagdaan nang panahon, kapag nagbabalik at nag uusap-usap sa bayan kong pinagmulan, paminsan-minsan, pasulput-sulpot, nabubuhay ang dugong pulitika.

Lalo't higit kapag napag-uusapan ang tungkol sa mga kakulangan nang mga namumuno sa bayan. Tungkol sa kung paanong kahit hindi naman kwalipikado ang isang tao ay nananalo sa eleksiyon dahil may perang 'pamudmod' sa mga botante.



Malapit na ang 2010

Kabi-kabila ang naririnig mong balita kung sino ang may planong tumakbong presidente, senador, gobernador, congressman, mayor, konsehal.

Sa mga speech ay hindi nawawala ang salitang- 'Dahil gusto kong maglingkod sa bayan'. Service to the Filipino People.

Hindi ko na ninanais na bumalik/pumasok sa mundo ng pulitika. Maglingkod sa bayan? Hindi lang pagpasok sa pulitika ang paraan upang maglingkod sa bayan. Maaari tayong magpakita nang malasakit sa bansa kahit hindi tayo inihalal sa isang posisyon.

Maraming ibang paraan. Madalas, ang mga ito'y hindi na kailangan pang isa-isahin upang intindihin at malaman nang bawat isa sa atin. Madalas, ang mga paraang ito'y nakatago na noon pa man sa ating mga sariling puso at isipan- naghihintay nang panahon upang ating ilabas, gamitin, linangin at pagyamanin para sa ikabubuti nang bansa.

-----hector_olympus-----

2 comments:

  1. Gusto ko ang post mo na ito... hindi dahil sa ayokong maging PInoy...kundi galit ako sa pulitika at gobyerno ng bansa natin...wala kasi akong maramdamang pag-asenso... lalo na ngayon...panu na kaya kung tuluyan ng magsara ang lahat ng kumpanya na base sa ibang bansa gaya ng INtel at Panasonic, mas lalo tayong mabababon sa kahirapan...
    Salamat nga pala tol sa pagbisita mo sa aking blogsite http://engrcalalang.blogspot.com
    Sana'y magregister ka sa aking GUEST BOOK sa iyong muling pagdaa, pagbisita at pagbabaa!!!

    ReplyDelete
  2. clearly, there must be a CHANGE in our government.

    Sana'y malapit na.

    Sana.

    ReplyDelete

Get Your Paypal Account Now!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.