(Medyo) Tahimik ang Pilipinas ngayon. Walang masyadong ingay, maliban sa Right of Reply Bill ni Senator Nene Pimentel (na hindi ko masyadong naiintindihan at hindi ko na rin pinagtiyagaang intindihin) at sa pagkapasa ng Automation Budget para sa 2010 elections (na patuloy pa ring pag-aawayan dahil kabi-kabila ang siguradong magsasabing may dayaang mangyayari. Tingnan natin, kung magagamit na ang automation sa 2010 elections, panigurado na yung matatalong kandidato eh magsasabing "nadaya ako!").
Sikat si Ombudsman Merceditas Gutierrez. Aba'y big-time siya! Kung dati-rati eh Pangulo lang ng Pilipinas ang gustong i-impeach, ngayon, naka-file na ang impeachment complaint niya sa Kamara. Ang problema lang, katulad din ng complaints laban kay GMA, may pag-asa ba namang umusad ang kaso? Kilalang kaalyado ng First Couple si Gutierrez, dahil classmate siya ni FG Mike Arroyo sa Ateneo De Manila College of Law. In fact, hindi pa nga napag-aaralan ang kaso eh nagsabi na si Mikey Arroyo na hindi siya tututulan niya ang Impeachment. Pati si DOJ Secretary Raul Gonsalez eh nagpahiwatig na mahirap lumusot ang kaso.
Other than the above news, wala nang masyadong matunog. Magtataka ka na lang, ano na ang nangyari doon sa mga naunang issues, katulad nang Alabang Boys Drug Case, WB Corruption Charges, Euro Generals (sabi sa news, hindi na raw kakasuhan si General Dela Paz kasi ibabalik na daw yung kinuhang pera-pwede pala yun?), Fertilizer Scam, etc.
Para tuloy gusto kong sabihin sa sarili ko: "Hindi ka pa ba nasanay?".
Kung nasusulusyonan lang ang mga nakikitang iregularidad. Kung napaparusahan lang sana ang mga dapat maparusahan. Kung kahit paano sana ay nagkakaroon ng pagbabago at kaunti mang pag-unlad ng bansa. Siguro ay tataas kahit paano ang Trust Rating ng Pangulo. Subalit dahil dito, patuloy na hindi maganda ang resulta ng surveys. Ayon sa pinakahuling tala ng Pulse Asia, halos kalahati ng mga Pinoy ang walang tiwala kay Pangulong Arroyo.
Kung wala na talagang pag-asang magbago ang patakbo ng gobyerno, sana naman ay magkaroon ng pagbabago sa susunod na mga lider ng bansa.
Quick Finds
Custom Search
Monday, March 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment