Nilalakad lang namin ang science high mula sa main gate. Lugi kasi kapag nag-tricycle ka pa. At isa pa, marami ka namang nakakasabay na estudyante, kaya hindi ka maiinip.
Sa apat na taong ipinamalagi ko sa institusyong iyon, sadyang kayrami kong naging kakilala. Kayrami kong naging kasama. Kayrami kong naging kaibigan..... Ang ilan sa kanila, mga naging guro ko......
Kabo- teacher namin si Kabo. Sabi ni Kabo sa mga lalaking estudyante, "Kayo! Wag ninyong inaaraw-araw. Hindi ninyo ba alam na nauubos din yan? Baka pag me mga asawa na kayo eh wala na kayong mailabas diyan".
Toma- Tom A. kasi talaga. Tom ang palayaw, A ang initial ng Apelyido. Teacher din namin si Toma. Sabi niya, ang definition daw ng FAITH ay- Food Always In The House (Sa ilang pagkakataon ay nasabi ko na may katwiran din naman si Toma). Parati siyang may dalang tasa sa loob ng klase. Kung iisipin ay nagkakape lang si Toma. Pero marami ang tsismis na brandy raw ang laman ng tasa ni Toma. Ang consistent ka-drinking session ni Toma, si Mang Celso.
Mang Celso- si Mang Celso ang dakilang janitor ng science high. sabi nila, noon daw kasagsagan ng July 16 eartquake, inakyat ni Mang Celso yung flag pole sa harap ng building. Para daw just in case na gumuho ay nandoon pa rin siya sa itaas. Hindi naman napatunayan ang tsismis na ito.
Ginang- Gusto ko si Ginang dahil gusto ko ang subject niya-Filipino, Noli, El Fili, Florante at Laura. Minsan na rin akong nautusan ni ginang-pero hindi tungkol sa paaralan, kundi personal na lakad (sa kasamaang palad, nakita ako roon ng tiyahin kong nakasakay sa jeep sa isang di inaasahang lugar at ang sabi niya sa akin- bakit ka nariyan?)
Dayon- Paboritong pumaswit ni Dayon habang nagsusulat ng equation ng calculus sa blackboard. Ilang beses din akong nakulili sa pagpaswit niya ng "When I Dream About You" araw-araw. Pero ang hindi ko malilimutan sa kanya ay nang sinabi niya sa akin na "ano ba talaga ang gusto mong manyari?" dahil hindi ko maintindihan yung tinuturo niyang Computer Subject.
Anto- Magaling na teacher si Anto, kahit na minsan eh inaantok talaga ako sa klase niyang puro tungkol sa kemikal at equation. Sabi nung katabi kong amboy na kaklase ko- "alam mo, minsan pinagnanasaan ko rin si Anto. Pero nawawalan ako ng gana kapag nai-imagine kong nakanganga siya".
Aryo- Kaibigang matalik ni Aryo si Anto. Kwento ni Aryo, "minsan may pulubing nanghingi ng limos sa akin. Eh hindi ko binigyan. Alam ninyo ginawa? Dinuran ako! Alam ninyo ginawa ko? Edi dinuran ko rin!"
Sarzaparilla-Oldies na si Sarzaparilla. At ang kanyang codename kapag kris kringle- "Charisma". Para bang sinasabi niyang, Hoy! May asim pa!
Mamdar- *tikom ang bibig ko sabay yukod*
(Masyadong malawak ang mga naging karanasan ko sa Science High, kaya... itutuloy)
Quick Finds
Custom Search
Monday, March 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment