Quick Finds

Custom Search

Let Customers Pay You Thru Paypal

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Thursday, March 12, 2009

Pera At Pulitika

Napag-usapan na rin lang ang pera, umani ng batikos si Senator (and aspiring 2010 Presidential candidate) Manny Villar sa isang komento na binanggit niya sa isang interview. Sabi ni Villar:

"If you can't raise P1 billion, why even run?"

Reaksiyon naman ng ibang pulitiko (at aspiring presidentiables din):

Mar Roxas: people would elect the next president for the candidate’s platform of government and track record.

Chiz Escudero: it’s the people, and not money, that will elect a president.

Dick Gordon: "arrogant" statement.

In reality, tao pa rin ang pipili ng kanilang iboboto subalit kung iisipin, totoo namang malaking factor ang pera sa kandidatura. Sa nakaraang BARANGAY elections (emphasis sa salitang BARANGAY), may kilala akong nanalong kapitan na balitang gumastos ng humigit sa P500,000 para manalo. Kung sa isang maliit na yunit ng pamahalaan ay may mga taong handang gumastos ng ganoon kalaking halaga, hindi malayong kakailanganin nga talaga ng P1 bilyong piso para sa isang National campaign. In fact, sa airing time pa lang ng political campaign sa TV, gagastos ka na panigurado ng daang libong piso.

Ayon sa isang editoryal ng BusinessMirror,

While Villar’s remark may sound controversial, the reality is that finances will determine in large measure the outcome of next year’s election. In fact, Villar’s figure is the minimum amount required for a decent nationwide campaign, which is P2 billion to P3 billion, per Reuters’ estimate.

Those billions would go to building a nationwide political machinery up to the barangay level. Then the candidates would have to cover all the regions once the official campaign period starts next year. Campaign paraphernalia, such as streamers and handbills, as well as the all-important TV and radio ads, will substantially jack up the cost of running for the highest public office even more. And we’re not even talking of the money involved in surreptitious dagdag-bawas operations à la “Hello, Garci,” which the Commission on Elections (Comelec) swear will be a thing of the past—a situation fervently hoped for, but not necessarily believed.

Sa pinakahuling survey report na inilabas ng Pulse Asia, lumalabas na dikitan ang magiging labanan ng Presidential elections sa darating na 2010. Nangunguna sa survey si Noli De Castro (19%) at pumapangalawa naman si Chiz Escudero (17%). Muling lumitaw ang pangalan ni Erap Estrada (16%) sa pangatlong spot, habang pumang-apat naman si Manny Villar (15%). Kasunod naman sina Loren Legarda, Mar Roxas, Panfilo Lacson, Jejomar Binay at Bayani Fernando.

At dahil nga dikitan ang labanan, sinabi ng ilang political analysts na pinakamalaking magiging factor ang pera at ang pagkakaroon ng "wide and loyal" network.

Sa karanasan ng pulitikang pinoy, malayo pa ang lalakarin bago natin makita ang isang mas malinaw na scenario sa gaganaping halalan sa 2010. Marami pang pangalan ang magsusulputan, paniguradong mayroon pang magba back-out at tatakbo na lamang ng bise presidente o senador, magkakaroon pa ng lipatan portion/balimbingan portion sa mga partido, at makakakita pa tayo ng iba't ibang drama tungkol sa ating mga pulitiko.

Hindi maikakaila na malaki ang papel na gagampanan ng pera sa kandidatura ng mga pulitiko. Ngunit sa huli, ang boto pa rin ng taumbayan ang dapat na manaig. Sa gabay ng Panginoon, nawa ay mapili na nga natin ang tamang lider ng bansa.







2 comments:

  1. Pera at pulitika. Masamang kumbinasyon... Hindi si Villar ang iboboto ko. Kung sino ay hindi ko pa alam. Ang hirap pumili kapag ganito ang mga pagpipilian.

    ReplyDelete
  2. joe, it is our hope na somehow ay mayroong biglang sumulpot na competent candidate sa 2010.

    ReplyDelete

Get Your Paypal Account Now!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.