This is my 100th post.
So I will try to create a countdown- some sort of 100 things na sa palagay ko eh nangyayari sa Pilipinas, o sikat sa Pilipinas sa pangkasalukuyang panahon (parang iniisip ko tuloy ngayon, sana ginawa ko ito noong pang-sampung post ko pa lang):
1. Si GMA pa rin ang Presidente ng Pilipinas, habang si FG naman ay patuloy na nasasangkot sa kung anu-anong katiwalian sa gobyerno. Hindi pa rin namamatay ang isyung Charter Change dahil hindi pa rin bumababa sa pwesto si Gloria.
2. Talamak ang graft and corruption. Maririnig mo ito sa radyo, makikita sa tv, mababasa sa diyaryo. Sa katunayan, parang manhid na nga yata ang tainga ng pinoy kaya't hindi na sila nagugulat kapag may mga balitang tungkol dito.
3. Ckat na ckat ang txtng. Naging txting cptal of d world p nga ang pnas eh. Buhay na buhay ang companies ng Smart, Globe at Sun Cellular. Word of mouth ang unlitxt, unlimited, e-load, autoload, pasa load at all calls. Naglipat-bakod na rin mula sa Globe papunta sa Sun si Aga Muhlach.
4. GMA at ABS CBN pa rin ang top television networks. Pero hindi mo malaman kung sino talaga ang number one dahil pareho silang nagsasabing sila ang Number 1.
5. Bumalik na sa bansa si Jocjoc Bolante matapos ang ilang taong pamamalagi sa US. Kasalukuyang dinidinig ang kaso ng Fertilizer Scam habang tila natabunan na naman ang kaso ng NBN Deal (asan na si Jun Lozada?), Euro Generals (mababa na ang euro kaya tahimik na rin), at ang Road to Nowhere Scam (nowhere na, hindi na kasi Senate President si Villar).
6. Madalas magkasakit si FG Mike Arroyo; lalo na kapag pinatatawag siya ng Senado.
7. Naghiwalay na si Dingdong at si Karylle at ang itinuturong dahilan-si Marimar; ang Babaeng Hinugot sa Tadyang ni Fredo (Ayan, nagkagulu-gulo na).
8. Sikat na sikat ang balitang recession sa US. Pero mas sikat si Obama. Katunayan, balitang-balita kung paanong hinabol ni GMA si Obama sa lahat ng pagkakataon para lang makapagpa piktyur.
9. Laya na si Erap. Mahal na naman siya ng masa despite of his corruption and plunder charges. Erap for President in 2010?
10. Speaking of 2010, nag-umpisa na ang kampanyahan ng mga Pulitiko sa tv, sa radio, sa internet, at sa diyaryo.
11. Traffic sa may North Avenue hanggang sa Balintawak. Pero ok lang dahil improvement naman ito. Ginagawa na kasi yung extension ng MRT papunta sa LRT.
12. Grabe ang pila sa lotto nitong mga nagdaang araw. Paano, umabot yata sa more than 300 Million ang winnings sa 6/49. Hindi ako tumama. Hindi naman kasi ako tumataya.
13. Nararamdaman na ang effect nang recession sa US. May mga companies kasi na nag lay off at nagsara dito sa Pilipinas. Lay off ang Intel; Umalis na ang Fedex; balitang may mga susunod pa.
14. Nakabukas na ang SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway). Mabuting balita ito sa mga bumibyahe patungonng North Luzon dahil malaki ang natitipid na oras (at gasolina).
15. Speaking of Gas, bumaba na naman daw ng 1php ang presyo ng diesel. At kaninang umaga ay bumalik na sa 7php ang minimum fare sa jeepney.
16. Marami pa ring Pinoy ang pumupunta sa Dubai. Pero medyo malungkot dahil may epekto rin ang recession doon.
17. Nakakasawa na ang telenovela at koreanovela sa GMA at sa ABS CBN.
18. Patay na si Rustom Padilla. Nagbagong anyo at nagbagong pangalan na siya dahil siya na daw si Bebe Gandanghari.
19. Sikat na sikat si Pacquiao sa buong mundo. Natalo na kasi niya last year si Oscar Dela Hoya; at kasalukuyang pinaghahandaan ang laban nila ni Ricky Hatton sa May 2009.
20. Inumpisahan na ang Random Drug Testing sa mga Secondary at Tertiary Schools. Nahuli kasi ng PDEA ang Alabang Boys na gumagamit ng Drugs. "Social Users" lang daw sila. Wow, men!
21. Tumaas ang presyo ng LPG. Naisalang sa hotseat si Sec. Angie Reyes dahil dito. Pero wala rin yatang nangyari sa investigation.
22. Sumikat na naman ang Pinas sa buong mundo dahil sa nag-issue ang World Bank ng mga lists of Philippine Companies na banned sa kanila on issue of corruption.
23. Speaking of Corrupt companies, nagtatalak na naman sa Senado si Miriam Santiago. Siya kasi ang Head investigator sa issue.
24. Nagkaroon ng Cancer si Cory Aquino. Pero lumalabas pa rin siya paminsan-minsan lalo na kapag may rally ang opposition.
25. Sikat si Charisse, Si Arnel Padilla at yung chef sa White House na hindi ko alam ang pangalan. Kahit paano, may positibo pa ring impact ang Pinoy sa ibang bansa.
26. Uso ang blogging. Madaling medium kasi ito para maipahayag ang gusto mong sabihin (kahit na wala naman talagang bumabasa sa blog mo).
27. Talamak na rin ang iba't ibang social sites katulad ng Friendster, Multipy, etc.
28. Marami ring Franchise international shows ang sumisikat sa bansa. May local adoptation na tayo ng Survivor, Big Brother, Family Feud, 1 vs 100, Deal or No Deal, Philippine Idol, Kakasa ka ba sa Grade Five, etc. Pero nakakainis dahil pinapasukan ng text votes galing sa televiewers. Nakakainis, as in.
29. Mababa pa rin ang sweldo. Mataas pa rin ang tax.
30. Dumadami na naman ang government projects sa kalsada. Malapit na naman kasi ang eleksiyon.
31. Talamak ang drugs. At kung minsan, yung mga pulis na dapat nagsasawata sa users, sila ang nahuhuling bumabatak. IMBESTIGADOR!!! Hindi namin kayo tatantanannnnnnnnn!!!
32. Nagreunion ang Iskul Bukol. Napiyansahan si Richie D Horsie, (medyo) bastos pa rin daw si Joey, at Lalake na si Tonette Macho.
33. Bihira na ang pumapatok na Pelikulang Pinoy. Kung meron mang mga pinipilahang pelikula, malamang Hollywood-made.
34. Patok ang Twilight na libro na isinapelikula. Mas maganda raw ito sa Harry Potter dahil ang Twilight daw, 'May Kilig'.
35. Wala nang Magpakailanman si Mel Tianco. Pero surviving on air pa rin ang Maala ala Mo Kaya ni Charo Santos.
36. Nag-reunion ang Eraserheads pero di natapos dahil isinugod sa ospital si Ely.
37. Lilipat daw si Diether sa Siyete. Pero nag-stay sa Dos. Pero lilipat daw. Pero andun pa rin sa Dos......
38. Puro mukha nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Richard Guttierez at Angel Locsin ang makikita mo sa commercials.
39. Inirereklamo pa rin ang Globe at Smart dahil nababawasan ang Load mo nang hindi ka naman gumagamit ng telepono.
40. Marami kang makikitang kabataang may nakatakip na mahabang buhok sa mga mata. Emo!
41. Out na ang mga english-speaking DJs. Mas sikat ang mga balahurang magsalita at mahilig magpatawa. Kailangan pa bang i-memorize yan?
42. Sikat pa rin si Bob Ong. Pero halatang mahirap na ang buhay dahil pinatos na rin niya ang pagtitinda ng mga t-shirts (Peace, bossing!).
43. Madalas pa rin ang rally sa may Quezon City Circle partikular sa may Department of Agriculture. Doon na nga yata nakatira ang mga rallyists.
44. Lahat nang telenovela at sitcom ay may cast na bakla o tomboy.
45. Kaaway pa rin ng MMDA ang mga Sidewalk Vendors. Kaaway pa rin ni BF si Binay. Pero gustong gusto naman siya ng mga text voters sa Celebrity Duet.
46. Nakabalik na sa posisyon sa gobyerno ang mga talunang Senador. Nakaupo na ulit sa pwesto si Pichay, si Recto, si Sotto.
47. Bukas na ang UP Ayala Technohub sa Commonwealth Avenue. Maraming kainan, maraming opisina, maraming may trabaho.
48. Sikat ang mga maliliit na motorsiklo katulad ng XRM. Pero araw-araw din ay kung ilang tao ang naaaksidente sa motor.
49. Marami na namang nadagdag na Board Passers na Nurse. Marami na namang gagradweyt nang nursing sa March/April. Marami na namang mag a abroad.
50. Tumataas ang matrikula. Magastos magpaaral nang anak. Katunayan, ang ibang pre-schools, hindi bumababa sa treinta mil ang tuition fee.
51. Ateneo-La Salle pa rin ang hot stuffs sa UAAP.
52. Boljak pa rin sa Gold Medal ang Pinas sa Olympics.
53. Kung mahaba ang pila sa lotto, wala yan sa haba ng pila sa DFA, NBI at SSS.
54. Tataas na naman daw ang presyo ng bigas. Wag naman sana.
55. Sikat sila Among Ed, Gov. Grace Padaca at Sonia Lorenzo. Magaling daw kasi sila; kaya baka raw tumakbo silang Senador.
56. Nakakatamad nang manood nang PBA. Puro Fil-am na kasi ang makikita mo. Di mo na malaman ang tunay na pinoy at tunay na peke.
57. Uso ang Pirated DVDs. Di hamak na mura kasi kaysa sa manonood ka sa sine. Malinaw naman, lalo na yung Blue Ray (Ooops, di pala ako bumibili noon. Ano ba yung Blue Ray?).
58. Lumilipat ang mga taga-dos sa Siyete. Lumilipat ang mga taga-siyete sa Dos. Habang yung ibang laos na ayaw lumipat, nagtitiyaga sa Channel 5 at Channel 11.
59. Sikat pa rin at may following pa rin sila Manalo, Villanueva, Quibuloy, at Velarde.
60. Maraming kabataan ngayon ang may English Accent at mga twang ang dila. Sila yung mga sikat na sikat na CSRs sa mga Call Centers.
61. Kung saan may Call Centers, malamang may Starbucks na malapit.
62. Speaking of Coffee Shops, parang kabuteng nagsusulputan ang Starbucks, Figaro, Seattle's Best, BO's Coffee, etc sa mga malls at sa mga Business Offices.
63. Traffic pa rin lalo na sa Umaga. At sa Tanghali. At sa Gabi. Masarap bumiyahe sa madaling araw para iwas traffic. Pero takaw-aksidente.
64. Hindi na mahirap mag-apply ng Credit Card. Kadalasan, sila pa ang nag o-offer sa'yo.
65. Nag-evolve na rin ang style ng mga sales agents sa mall. Yung mga tipong Family First? Sila yung mga maririnig mong nagsasabi nang 'Ma'am, may Credit Card?', o di kaya ay 'Uy! Color of the Day!' Sabay banggit sa kulay ng damit mo.
66. Lumalakas ang Sales ng Jollibee habang bumababa ang benta ng Mcdo.
67. Top hits pa rin sa Internet ang mga Sex Video Scandal ni ganito at ni ganoon. Meron ka na bang kopya nung kay Hayden at nung kay Katrina?
68. Lalong nagiging magkamukha si Igan at si Arn-arn. Pero tinalo sila ni Mike at Mang Enriquez.
69. Matapos masangkot sa Ultra Stampede, namayagpag na muli si Pappy Willie.
70. Kakandidato raw ulit si Manny Pacquiao?
71. Dumadami ang bilang ng mga kabataang nagyoyosi, nagda drugs, at nabubuntis.
72. Hindi pa nagpapahayag na tatakbo si Loren, si Chiz, si Noli, si Mar. Pero panay naman ang pangangampanya nila.
73. Hate nila dati si JDV. Pero ngayon love na nila. Ganoon lang naman talaga sa Pulitika.
74. Health conscious na ang mga Pinoy. Kaya nga nauso ang Vegetable Salad, Green Tea, Liveraide, Circulan, Arthro at Viagra. Hindi yata kasali yung huli.
75. PSP, Ipod, CP, Mac, Laptop, HP, Wii, mp3, mp4, 3G. Techie Generation ang mga bata ngayon. Pati matatanda.
76. Mahirap i-determine kung sino sa mga lider ang tapat na maglingkod at walang masamang intensiyon sa bansa.
77. Inamin na rin daw ni Iggy na siya at ang Alabang Boys ay iisa. Huh?
78. Alive and kicking with comments pa rin siraul gonsalez.
79. Si Ramos pa rin daw ang totoong presidente. Ha? What's that again?
80. Open for Business na ang NAIA Terminal 3. Sa Wakas!
81. Maraming corrupt. At yung mga kakaunting malinis, kadalasan, nagiging corrupt. Pero meron pa ring mga malilinis.
82. Kung uso ang lipat-bakod sa pulitika at sa showbiz, mapapansing kumokonti na rin ang bilang ng mga nasa 'tradisyunal na relihiyon'. Kaya nga nag-emerge na at common term na ang mga 'Christians, Fellowships, Bible Studies, Small Groups'. Hindi mo masisisi ang mga tao. Natural, maghahanap sila nang kongregasyon na may personal at malalim na relasyon sa Diyos. At kung hindi magbabago nang technique ang mga 'traditional groups', malamang maubusan sila ng miyembro.
83. Uso pa rin ang mga kantang may 'double meaning'. Pero nabawasan na rin ang mga tumatangkilik sa mga bold shows o mga palabas na may temang gusto lang magpakita ng kaloob-looban para kumita ang palabas.
84. Hit na hit ang mga Spa at mga Wellness Centers.
85. Wala ring tigil ang pagtatayo ng mga SM Malls. At kung may SM, malamang may katapat na Robinson's.
86. Bawal nang mag-advertise ang mga sigarilyo. Pero nakaaalarmang dumadami at pabata ng pabata ang gumagamit nito.
87. Kung anu-ano nang sakit ang nadiskubre. Kadalasan, sinisisi nila ang mga Instant Noodles at chichirya.
88. Marami pa ring napuputukan kapag Bagong Taon. Ang mas malungkot, kahit hindi bagong taon, may mga sumasabog na pabrika ng paputok.
89. Bati na si Kuya Germs at si Billy Joe.
90. Nalaman ng bayan na nagmumura pala si Mar Roxas. Malutong pa!
91. In addition to tukneneng, naka-balandra na rin sa bawat kanto ang mga nagtitinda ng calamares.
92. US-made ba ang damit mo? Baka naman UK? O Ukay?
93. Matatandaang sumikat si Miguel Zubiri noong 2008 dahil nag-agawan sila sa ika-huling pwesto ni Koko Pimentel. Pero ngayon, asan na nga pala si Zubiri? Teka. Sino nga pala si Zubiri?
94. Nakakulong pa rin si Senador Trillanes. Pero sa isinumiteng summary of expenses, isa siya sa pinakamalaki ang nagastos sa Transportation. Eh paanong nakapagbiyahe kung nakakulong?
95. Regular na tanawin na ang rally. Kung naiintindihan nang lahat ng naroon ang pinaglalaban nila, yun ang hindi ko alam.
96. Namimigay din naman ng mga maliliit na tulong pinansiyal ang gobyerno. Murang bigas, mababang presyo nang ganoon, exemption sa ganito, subsidy sa ganyan. Pero nalulutas nga ba ang problema ng bansa?
97. Hanggang ngayon, isyu pa rin sa pagitan ng simbahan, gobyerno, civic groups ang paggamit ng contraceptives. Habang hindi ito inaayos, patuloy na lumalaki ang populasyon ng Pilipinas.
98. Kahit may mga operasyon ang pulisya laban sa prostitusyon, nakalulungkot malaman na marami pa ring tambay na babae sa mga footbridge ng mmda sa cubao, sa pasay, sa malate, sa quezon avenue.
99. Dagdag pa sa mga nabanggit sa itaas, tambak pa rin ang basura sa ilog at sa mga kanto. Maitim pa rin ang usok ng mga bus sa EDSA. Marami pa ring banggaan, insidente ng karahasan, kidnapping, carnapping, pamomolestiya sa mga menor de edad.
100. Pero sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling nakatayo ang Pilipino. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa sapagkat alam niyang darating din ang tamang panahon kung saan muling ibabalik ng Diyos ang katarungan at moralidad sa bayang Pilipinas. May pag-asa pang naghihintay sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment