In my view, dapat siguro eh hindi lang sa schools mag-conduct ng random drug testings. Pwede rin siguro sa mga private and government offices, pati sa Senado at sa Kongreso, at kahit sa entertainment industry.
Isipin mo na lang kung may mga mahuhuling sikat na artista na gumagamit pala ng droga.
Bongga divah?!
Meron akong mga suspects.....
Noong hindi pa naglilipat-bakod si Angel sa dos at nasa siyete pa siya, sikat na sikat yung palabas niyang Darna.
Tingnan natin, tuwing episode ng Darna, lagi siyang nag-babato.
Si Ding? Aba, wala nang pag-uusapan.
Siya yung pusher. Kasi siya yung laging nagsu-supply ng bato kay Darna.
Laging sinasabi ni Darna, 'Ding! Ang bato!
Pagkasubo niya ng bato, ayun, nakakalipad na sa kalawakan.
Isa pa 'tong si Aga.
Iba naman ang tinitira-Cough Syrup.
'Di niyo ba napapansin, lately eh pumayat si Aga?
Ang epekto naman ng cough syrup, nakakakita siya ng kung anu-ano. Andiyan yung nakikita niya yung mga kaloob-looban ng mga tao, nagiging see-thru kumbaga.
Ang pinakamalupit doon, pati bata, gustong ipahamak sa gorilla.
Ay, etong si John Lloyd, walang duda.
Eh, drug dependent ito!
Imagine, konting sakit nang ulo, lunok agad ng gamot. Actually, kahit nga walang sakit ng ulo eh, magbibyahe lang, magbabato na agad ng tabletas sa bibig, sabay sasaludo.
Parang, baka nga mauntog lang ito o 'di kaya kagatin ng langgam sa bumbunan eh biglang dudukot ng tabletas sabay lunok- 'TOK' tsaka sasaludo,
Ingat!
No comments:
Post a Comment