Ilan sila Francis M. at Tado sa mga kilalang manufacturers ng mga Pinoy T-shirts. Pero siyempre, mawawala ba naman ang mga nagbebenta nang mga katulad nito sa Greenhills, Divisoria, at maging sa mga tiyangge at palengke?
Narito ang ilan sa mga designs (sa mga interesadong bumili, pwede ninyong bisitahin ang mga websites kung saan ko nakuha ang mga designs na ito:)
Ewan ko sa inyo, pero ako, asiwa ako, at hindi ako pabor dun sa mga t-shirts na medyo "negative ang dating". Halimbawa ng mga ito ay yung mga t-shirt na may nakasulat na:
• malaki ang titik O
• di bale nang tamad, wag lang pagod
• inutel inside
Sa unang tingin, masasabi mong coooool ang mga t-shirt designs na ito. Matatawa ka rin dahil medyo comic naman talaga ang dating.
Pero sa huli, mapapaisip ka- Kung sino at ano ang isinusuot mo, ipinapakita nito ang karakter nang taong nasa loob ng damit na suot mo.
hi! thanks for dropping by sa haus ko....
ReplyDeleteI'll get back soon to read your entries...Ingat
kaya nga ao e di bumibili ng mga damit na ganyan ang taytol, masagwa na sa tenga e repleksiyon pa ng pagkatao na may suot nito...
ReplyDeleteabrel, salamat din sa pagbisita
ReplyDeletepayatot (payatot ka ba talaga?), maaaring sa atin ay hindi patok ang mga ganitong may pagka "grin" na tema ngunit nakamamanghang may mga taong gustong gusto ang mga ganitong damit.
gagawa din ako ng ganyan
ReplyDelete