Naubusan din kami nang LPG last Friday and it was only after four days nung nakabili kami (at a much higher price).
The first time we asked on a late night, the retailer said 'Wala pong gas ngayon, hindi kami pwedeng magbenta. Kung gusto po ninyo, bumalik kayo bukas ng mga 6:30 ng umaga, pwede nang bumili'.
And so my companion asked, 'Brod, siguro magtataas kayo ng presyo kaya ayaw ninyong ibenta. Ok lang naman sa amin kung bibilhin namin dun sa presyo na itataas ninyo bukas'.
'Hindi po talaga pwede, bukas na lang po kayo bumalik'.
Sabi nga ni Angie Reyes, walang shortage.
Sabi naman ng mga retailers, kung walang shortage, eh bakit kami, walang mabili?
Sabi ni Boy, nagkakaubusan kasi maraming taxi na nai-convert from Diesel/Gas to LPG.
Sabi nung opinionated na kapitbahay, Red Tape ng gobyerno yan, Red Tape, maniwala ka!
Naalala ko tuloy dati, Rice Shortage naman ang problema ng mga tao. Then, hindi rin naging malinaw kung ano ba talaga? May shortage ba? O may tinabunan lang na kontrobersiya? After a while, nag-stabilize din ang problema sa bigas. Natahimik na rin ang alegasyon ng corruption.
Noon, Rice.Ngayon, LPG.
Kung sasabay pa sa shortage ng mga lalake dahil nagpapa-convert na para maging babae, paano na?
Lalong kokonti ang ratio ng men to women. hehe!
ReplyDeletekaya nga nakakapanlumong isipin kung bakit kakaunti na lang ang lalake eh nagpipilit pang maging babae.
ReplyDeleteang mabigat, kung sino pa yung may mga guwapo, sila pa yung gustong maging maganda